Hirap Dumumi 18weeks pregnant
Mga mommies pahelp! Pasintabi po sa mga kumakain. Hirap na hirap na ko. ðŸ˜ðŸ¥º Ayaw po lumabas ng dumi ko. Lagi naman ako nainom ng tubig pero now lang ako naconstipated ng malala. Hindi ko sya mailabas sa pwet ko. Anu ba dapat ko gawin? Naiiyak na ko. Natatakot akong pwersahin kasi baka mapano baby sa tyan ko. Tumayo muna ko sa bowl at pinilit kong iurong yung dumi na ayaw lumbas at nagpahinga muna ko. Tinatry ko kalmahin sarili ko.Inom na ko ng inom ng tubig ayaw padin talaga lumabas. ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜#advicepls #1stimemom #pregnancy #pleasehelp #worryingmom

try nyu po yung ginagawa ko, 2 times a day ako dumumi kapag kumakain ako nito. mataas po kasi sa fiber and prebiotic po for digestion. overnight oats: 3-4 tablespoon whole grain rolled oats 1 tablespoon plain yogurt fresh milk samahan ng kahit anong prutas like 1 saging o kalahating mangga Paghalo haluin nyu lang po yan then lagay nyu po sa ref overnight, yan po kainin nyu sa umaga. pwede din po gawin nyu sa umaga then yan ang gawin nyu dinner. anytime naman po pwede nyu kainin basta atleast 8-12 hrs sya sa ref, para medyo malambot na yung oats.
Magbasa pa