Sleepless nights with Lo

mga mommies pahelp naman . every 11pm onwards nagaalburuto si Lo. Ingit sya ng ingit. tapos iiyak so kakargahin naming magasawa salitan kame ksi ayaw magpababa, tapos malungad din si Lo. yung kahit napaburp na namin siya lulungad padin siya. minsan ang dami as in nkakatense pag naglungad na siya, normal po ba ito? tapos bakit kaya iritable siya sa madaling araw . gusto laging karga . nakakapuyat ksi khit tulog sya nagaalala kame na baka yung lungad mapunta sa ilong. any tips guys?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung baby ko ganyan siya nung 1 month palang siya pag nilalapag nagigising tyaka super iyakin kaya ginagawa ko di ko siya binibitawan pag matutulog na kami. Or ilalagay ko siya sa dibdib ko nakadapa. Tapos naglulungad din siya kapag napadede na namin sakin titimplahan pa kasi akala ng mama ko kulang nadede niya which is hindi. Kaya na ooverfeeding siya naglulungad siya sobrang madami kaya pag umiiyak siya di ibig sabhin gutom ihele mo nalang or tignan mo diaper baka basa na, tabihan mo din siya pag matutulog siya wag mo nalang ilagay sa crib pag gabi :) I hope nakatulong base on my experience lang. Tyagain niyo lang nagbago na Lo ko ngyon going 4 months na :)

Magbasa pa

Normal po yung ganyan moms or minsan kasi baka may masakit saknya di lang po natin alam kaya po ako pag ganyan si lo ko at ayaw pababa pinapatulog konalang sa tabi ko o sa dibdib ko pag nalulungad naman siya sinaside view kona ang pagtulog for safety or inaangat kopo ang unan niya ng mataas pero better parin na naka side para sure na lalabas po ang gatas kapag lulungad siya, minsan kasi sa unang buwan lang siya ganyan tiis tiis lang tayo moms. Ilang buwan napo si lo mo?

Magbasa pa

Ganyan na ganyan din si baby namin 2 weeks na sya. Swerte na makatulog ng straight 4hrs hehe. 2 hrs lang ako makatulog sa madaling araw. FTM pa ako. Sobrang pag aadjust talaga. Tas lagi din sya nalungad. Kahit napaburp. Ung lungad nga nya. Parang suka na sa dami. Mixed feeding ako ksi di sya nabubusog sakin.

Magbasa pa

Bka naoverfeed po c baby sis. Ganyan din baby ko,pero ngaung mag 2 month na sya nagbabago na d na gaano naglungad .itayo nyo po muna sya,para maka baba yung gatas sa tiyan nya bago nyo sya ihiga.. Bka naman sia may kabag sya kaya sya iyak ng iyak,o d kaya, puno na diaper nya.. Ilang month na po ba c baby?

Magbasa pa
5y ago

Sa unanh buwan mommy maraminh sakripisyo ng pagpupuyat lang talaga kaya samin ni hubby ako lang nagpupuyat dahil magtatrabaho pa siya pero pag di kona kaya dun akohihingi ng tulong hayaan mo nalang po siya matulog sa sa dibdib mo moms pero huwag po masiyado masarap matulog baka mahulog . Taasan modin po unan niya gaya ng norma na unan n gamit natin

Baby ko po simula newborn sya hndi pang baby na unan pinapagamit ko. Ung nan nya unan namin pero mababa. Ung mas mataas ulo. 3x lang ata sya lumungad since pinanganak ko sya. Baka kinakabag dn yan. Massage mo tyan ung i love u massage

Ganyan tlaga momsh..tiis lng pi.. ngbabago naman sleep routine niya habang lumalaki

5y ago

slamat po, naiirita sya pag gbi

Baka po super lamig or super init, or pwede ding kabag.

5y ago

Ganyan din po lo ko non nilalamig lang pala kaya gusto lagi nakadikit sa katawan ko o sa papa niya minsan kabag lang talaga kaya sila iyak ng iyak.

VIP Member

Baby ko ganyan din 😭😭😭

VIP Member

yung sa nag lulungad sis ganyan din baby ko kahit napa burp na sya maya2 lulungad na.. pina chek up ko nalaman ko allergic sya sa cows milk which is ung milk ni baby Nan optipro made of cows milk pala sya kaya pina palitan ng pedia nya ng similac tummi care.. sana mag stop na pag lungad ni baby nag sstart plng kami mag shift sa similac tummi cre kasi parang ayaw ni Lo lasa ng similac..

Magbasa pa

Same po sa baby ko na 1 month. nakakapagod talaga grabe :+