hello po.

mga mommies pag po ba 1 month palang na preggy hindi pa po ba talaga makikita ang baby kahit trans v ginawa ? pinapabalik po ako after 2 weeks pero binigyan na po nila ako ng pampakapit, ilang weeks po ba kadalasan nakikita ang baby sa trans v? salamat po sa sasagot :) sorry po ang dami kong tanong.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes po masyado pa po tlga kse maaga para mag patrans v kpag 1month plng ang tiyan mo. Siguro wait ka lng po mag 2months ang tiyan pra mas sigurado na po na mkikita si baby at hndi ka masayangan sa pera kakatransv mo po minsan po ksi kpag msyadong maaga ka mag patransv pinapadoble nilang mag pa sagawa ng gnyan ksi makikita sa una wla png heartbeat si baby pero may yolk sac at embreyo na tapos pauulitin ka nnmn nila ulet sa susunod pra makita ulet ung heartbeat. Gnyan po ung skin e nag patransv ako 5weeks 5days na tiyan ko pero wla pa heartbeat pinaulit nila ako pero di ko nlng muna ginawa ksi msyado mahal ang transv hndi kya ng budget kya hanggang ngaun nag 14weeks na tiyan ko di pa ko nag ppaultrasound inaantay ko nlang lumaki si baby pra kapag nag 5months na tiyan ko dun nlang ako mag paultrasound at mkita na gender nya 😊 sa awa nmn ng diyos hndi nya pinapabayaan baby ko khit last transv ko wla png heartbeat pero damang dama ko sya habang tumatagal pumipitik pitik sya sa tiyan ko at nagkakababy bump ndin ako😊 ginwa ko tiwala lang at plagi magpray na healthy si baby ko.

Magbasa pa

Nung time po ng akin nagpa check up ako sa Private 9 weeks sinabi sakin para magpa trans v kasi di pa talaga kita si Baby maaga pa. Pero sabi nung buntis ding kapitbahay ko pag 3months na daw talaga maganda magpa trans V kasi yung ang tapos ng first trimester kasi tig 3months yun pag 6months naman Pelvic ultrasound makikita na gender para mas makita progress ni Baby. Nagpacheck up ako sa public ang advice din sakin 3months din kaya 12 weeks na ko nagpa trans v. Mas kita na si Baby non kahit maliit pa 😊

Magbasa pa

8weeks po kasi based on my experience 6weeks ako dati na TVS may bahay bata ng makikita pero wala pang embryo. So they advised me to undergo TVS again after 2weeks at yun nga nagpakita na si baby. Keep praying lang po na magpakita na sya sa next sched ng TVS mo. God bless. 😊

10wks or more than 2months nung nagtransV ano nun sis may nakita na pero ang liit pa alng. As in grain pa lang yata yung laki ng baby ko. So imagine if half nyan ung age like sayo baka nga wala pa makita 😁

VIP Member

heartbeat p lng naman po nkikita dun madam.. depende po kc s OB pero misis q after trans v nagtake dn ng pampakapit mga 3-4weeks dn tpos nung sunod n balik s OB tinigil na po

salamat po sa mga sumagot, balak ko po kse magpatrans v ng august na para sure na po talaga, hanggang ilang months lng po ba ang para sa trans v ? salamat po ulit sa sasagot.

5y ago

Kapag 2 to 4mos po ang transv momsh. Kapag 5mos up na po pelvic na gagawin sau.

VIP Member

8-10 weeks po kasi ang accurate and dun na may heartbeat, lower than that, sac lang nakikita kaya madalas pinababalik para sure..

VIP Member

8 weeks po sakin momsh, me heartbeat na din si baby nun. 1 month talaga di pa sya kita though positive na pt natin.

VIP Member

Oo momsh 4 weeks ako nag ultrasound gestational sac palang. Nung six weeks may embryo na at mahinang heartbeat.

8weeks po ako nung nagpatransv.. Mas ok po kasi makita na si baby at malaman mo din kung may heart beat. 🙂