Urinary tract infections

Hi mga mommies paano nyo nagamot uti nyo? 5weeks 6days today niresetahan ako antibiotic ano pa ginawa nyo? # # # #

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang urinary tract infection (UTI) ay isang karaniwang isyu sa mga buntis at pagtitiyagaan ito nang maayos upang maiwasan ang pagiging sanhi ng komplikasyon. Narito ang ilang mga paraan kung paano maaari mong gamutin ang UTI habang buntis: 1. Uminom ng maraming tubig - Mahalaga na magpatuloy sa pag-inom ng maraming tubig upang linisin ang iyong pantog at tulungan na ma-flash out ang bacterium. 2. Sundin ang reseta ng doktor - Mahalaga na sundin mo ang reseta ng iyong doktor at gawing regular ang pag-inom ng antibiotic na ibinigay sa iyo. 3. Umiwas sa pag-inom ng matatamis at may asukal na inumin - Ito ay maaaring makapagpataas ng pagkalat ng bacteria. 4. Iwasan ang mga pagkaing maalat - Maaari itong makairita sa iyong pantog at makapagpabigat sa iyong kondisyon. 5. Magpahinga ng sapat - Mahalaga ang sapat na pahinga para mapalakas ang iyong resistensya laban sa impeksyon. Kung may mga sintomas ng UTI, maari ding konsultahin ang iyong OB-Gyne para sa karagdagang gabay at payo. paano sa palagay mo dito na sagot ko sa tanong ng kapwa mommies? https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa
TapFluencer

Round the clock ang pag-inom po ng antibiotic. Make sure tapusin mo un at bumalik ka on your scheduled follow up check up kasi ichecheck ulit if wala ka na UTI or need mo undergo another week of antibiotics. In terms of hygiene naman, 2x a day palit underwear. once sa morning, once bago magsleep. every after pee, banlawan with water, no need hawakan just banlaw. make sure always dry din ang under natin everytime magpee kaya malakas sa tissue pag buntis, remember front to back lang ang wipe, wag na ibabalik ang tissue pag galing na sa back, one wipe lang. If nasa labas ka, don't use wet wipes dun sa private area, wipe with tissue lang. Then magfeminine wash lang 1x a day, GynePro ung OB recommended at proven makaprevent UTI. Sa diet naman, 1.5-2L water a day, if may fresh buko juice ok din uminom nun. Organic Cranberry juice good din daw but di ko un natry. No softdrinks. Iwas sa masyadong maalat. As much as possible, avoid contact din mi.

Magbasa pa

dati din mii sa panganay ko nagka uti ako mga bandang 3rd trimester na yun. inantibiotic din ako nun, parang ayoko pa nga nun kase 1st time mom at natatakot akong magtake ng mga antibiotics. pero since ob ko naman nagrecom non, nagtiwala nalang ako at sumunod. sa awa naman ng Diyos okey kami parehas ni baby nung nilabas ko sya. yung kapitbahay namen na kamag anak ng asawa ko may uti din sya tas di sya mahilig magpacheck up. kaya nung nilabas nya yung baby nya nagka uti din tas hanggang ngayon na 7yrs old na yung bata, minsan nadadala sa ospital gawa ng uti. kaya laking pasasalamat ko na sumunod ako non. inisip ko din na di tayo papahamak ng mga ob naten.. just sharing lang mii..

Magbasa pa

kaka uti ko lng.. may nireseta ung ob ko na antibiotic na safe inumin ng buntis.. 7 days ko ininom.. after 7 days meron pa rin kc sobrang taas ng infections ko. may nireseta na 1 time iinumin.. tinitimpla sa tubig. nasa 500+ pagkainom ko kinaumagahan.. nagpa test ulit aq.. wala na uti ko. ok na ako.. safe naman si baby.

Magbasa pa

Inumin nyo po reseta nyo sainyo. Lalo pag OB nagbigay safe po yan. sabayan nyo ng inom ng madaming tubig at wag mag caffeinated drinks at maalat. Nakaka cause po ng miscarriage ang untreated UTI. niresetahan den ako at 4weeks kahit nasusuka ako sa gamot, kasi grabe ang puson pain at balakang pain dahil sa UTI nawala den naman after reseta ni OB

Magbasa pa

sundin nyo po ang OB nyo, kung niresetahan kayo ng gamot sundin nyo. wag po maniwala na pwede lang ang tubig at buko juice nakakahelp lang dahil nakakaflushout lang yon ng bacteria pero di sya nakakagamot completely. sa doctor po kayo makinig, wag po sa ibang tao na hindi naman doctor. mas ok na yung safe kaysa magsisi sa huli

Magbasa pa

nung una hindi ko inom kaso dahil dun. nag early labor ako. nag ER ako. kaya walang choice ininject na sakin yung gamot . kasi pwedeng lumabas ng maaga si baby kaya kung ako ako po sainyo. inumin niyo na. safe naman po sa baby.

more on water mi as in water ng water. kada ihi uminom ka muna ng water. tapos buko juice araw araw. pede ka magsabay ng honey lemon if gusto mo kung naiinitan ka at gusto mo ng maiinom. wag na mah softdrinks or chicha.

Binigyan po ako ng antibiotic ng OB at sinabayan ko ng pqg inom ng maraming tubig at pure n buko juice as in tlgang 2 buko nauubos ko sa isang araw... 1 week pagbalik ko sa OB clear na

nagka UTI din ako during my first trimester. nag antibiotics din ng 1 week. other than that, more on tubig lang talaga mii. tska watery fruits tska buko juice.