Give some tips please

Hi mga mommies out there bigyan nyo naman ako tips para mas mabilis makabuo ng baby hehe. #advicepls

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I recommend sis mag start ka magtake ng folic acid while ttc dahil nakakahelp din yon, and healthy lifestyle samahan mo ng exercise and communication kay partner para di kayo stress na dalawa. From nov - feb nagpaalaga ako sa ob dahil pcos ako both ovaries, nag undergo ako ng mga gamot pangpaitlog and follicle monitoring to check kung may hinog ako na egg pero hindi kami nakabuo. Nung ttc kami nagstart ako mag folic nun pero hindi ko sya araw araw naiinom dahil makakalimutin ako, halos 3 months din ako nag metformin para sa pcos ko pero hininto ko kaso talagang nakakahilo at nakakasuka. Napagod na ako nun kakaasa, plus ang gastos na din kaya sabi ko by march di na ako babalik sa ob, si Lord na lang bahala. From march 1 - 5 mens ko nag jump ropes lang ako 1k jumps per day kinaya ko naman nag calorie deficit din ako, nagbawas ako ng rice pero di ko sya totally inalis sa diet ko, hindi ko na pnressure yung sarili ko na mabuntis kasi paalis na yung asawa ko baka kako di pa talaga namin time makabuo. Halos 14 days ganon lang ginawa ko jump ropes and calorie deficit hindi din ako nagpalya sa folic acid kasi nanghihinayang ako sa isang banig na nasa bag ko inuubos ko na lang sya. By last week ng march dinala ako ng in laws ko sa Padre Pio sabi magpray daw kaming mag asawa, nagpray kami, hindi ako humingi pero sinabi ko nun na alam kong ibibigay nya maghihintay ako yun yung time na sinusurrender ko na lang lahat kay Lord kasi pagod na talaga ako umasa buwan buwan na magkakapositive pt, not until nadelay ako ng april akala ko delay lang ako kasi minsan sira talaga yung mens ko kasi may pcos ako pero iba na yung pakiramdam ko nun alam ko na preggy ako pero dinedeny ko kasi hindi ako makapaniwala, one week delay ako pero negative sa pt, nawalan uli ako ng pag asa nun pero parang sinasabi talaga ng katawan ko na buntis ako. 2 weeks na akong delay nag beach kamj, napansin ko na parang sinusundan ako ng rebulto ni Padre Pio kasi ang tagal na namin nagpupunta sa beach na yon pero noon ko lang nalaman nung araw na yon na si Padre Pio yon, kinabukasan parang nagkaron ako ng lakas ng loob mag pt, ilang drops pa lang ng wiwi lumabas na agad yung dalawang line sobrang saya namin ng asawa ko. Kaya sis by God's grace, magkakaron ka din soon, hindi biro yung pinagdaanan namin ng husband ko pero sobramg worth it. Now 12 weeks pregnant n ako ❤️

Magbasa pa