30 Replies
Ako, I went to a wake noong buntis ako, pero very quick lang. I was advised by my doctor na okay lang basta huwag ma-stress and huwag magtagal sa lugar. In fairness, I felt okay naman, and I was careful to avoid getting too tired or emotional kasi baka magka-issue pa sa pregnancy. Pero, to be honest, mahirap din kasi sa sobrang lungkot ng occasion, baka magkasakit ka pa or madala ng stress. It's really a case-to-case basis. Kung kaya naman ng katawan mo at walang medical reason to avoid it, I think it’s okay. I wouldn’t stay too long, though.
Naranasan ko yan way back 2007. 5 months pregnant ako. Namatay ang highschool adviser namin. i was 18 by that time walang ka idea idea sa mga ganyan. so sumama ako naggpunta ng lamay, sumilip din. Ayun pagka 6 months nagpremature birth ako. 1 day lang nabuhay si baby. Though walang connection, nDala ako , ngaun 30 na ko 2nd pregnancy kahit close family friend ng asawa ko ung namatat di talaga ako nakipaglamay. minsan di din masama kung susunod nalang sa pamahiin. v
Sundin mo nalang ang pamahiin lalo na pag usapang patay, kasi ako last 2weeks namatay yung anak ng kawork ng asawa ko sasama sana ako pero pinigilan ako ng mama ko baka daw kulangin sa buwan or mapano pa, kaya ayun kahit sa pakipaglibing di ako sumama pag makipag libing ka naman at sumama ka basta after cemetery balik ka sa bahay ng namatay magpausok ka atsaka kumuha ng isang pirasong bulaklak yun ang sabi
Pero based on what I know, wala namang strict rule na bawal magpunta ang buntis sa patay, pero kailangan lang talaga mag-ingat. I made sure to avoid long exposure sa crowded places, kasi baka ma-stress ako. Pwede naman siguro bumisita for a short time, as long as you’re not exposed to extreme emotions or stress. Pero better to ask your OB-GYN kung may specific advice sila regarding your health and pregnancy.
Sa question mo mommy na pwede ba bumisita ang buntis sa patay, the answer is yes. Pwede naman. Wala naman nakapagpatunay na may masamang mangyayari sa inyo ni baby. Ngunit pagdating sa iyong mental health, baka hindi ito maganda lalo na mabigat ang emotion kapag nasa lamay. Pero kailangan magmeditate, irelax ang isip, iaccept ang nangyari, magdasal para hindi maapektuhan ang iyong mental state.
Pero when I was pregnant, I chose not to go to wakes na may maraming tao, kasi natatakot ako sa sakit or nahihirapan ako maglakad sa matagal. Plus, it's emotionally draining din. I don’t want to stress myself out, so I just stayed at home and sent my condolences from afar. Pwede naman siguro kung malakas ka, pero kung may mga complications or you're nearing your due date, it's better to skip it.
Myth wise - bawal DAW kasi baka mausog ung bata sa tyan, or mahila nun namatay. Scientific wise - masyadong maraming tao na pwede ka makakuha ng infection (vulnerable po ang ating immune system pag buntis), plus ung formalin ng patay which is not good for you and the baby. :)
Sa tanong mo mi na pwede ba bumisita ang buntis sa patay, ang sagot ay yes. Pamahiin nalanh ang pagbabawal na pagpunta ng buntis sa patay. Maaari raw magkasakit siya o magdulot ng kapamahakan sa ina at baby. Ngunit wala namang nakakapagpatunay doon. Ang mahalaga palaging magdasal sa itaas.
Hi! Agree ako sa mga sinabi niyo! Ang pamahiin sa buntis pag may burol ay talagang iba-iba ang pananaw. Kung gusto mong pumunta, isipin mo rin ang iyong kalusugan at emosyon. Kung stress ka, mas mabuting huwag na lang. Makipag-usap ka rin sa kaibigan mo para malaman kung anong gusto niya.
Last month lng namatay ung tito ng asawa ko..nagpunta kami sa lamay ilang beses at sumilip din naman ako dalawang beses din pero di naman matagal..and feeling ko wala namang problema..dasal lang po and faith kay Lord na di ka pababayaan sa pagbubuntis at panganganak mo..😇
Datiles, Rinda Yuna T. BEED 2105