Pareklamo lang saglit
Mga mommies nexperience niyo na ba ung parang d naman excited ang daddy sa baby niyo. Nung naglilihi plang ako request ako ng request sa kanya oo lang siy ng oo pero wala naman siyang ginawa ang ending request ko bili ko. Ngayon parang hirap na hirap dumalaw samin at ang hirap pa kausapin sa chat lging naglalaro daw siya saka stayin kasi siya sa work. Alam ko short sila sa tao pero shifting sila. Nakakalungkot lang na nagbubuntis ako at working ako while pregnant ginagawa ko lahat pero parang wala manlang siyang ambag. Alam niyo ung hirap mga mommy? Ang hirap kaya magcommute araw araw. Ni hindi ko nga naexperience sunduin sa office ng daddy namin. Bakit ganun hindi ba siya excited sa baby namin? Nakakadrepress lang kasi sa part ko. Parang mabigat pa sa loob niya na nangungulit ako at hindi siya makatulog habang nagpphinga wala na nga siyang time dalawin kami eh. Prang hirap na hirap pa siya magbigay ng atensyon. Hindi ko na alam mommies. Kinausap ko naman siya tungkol dito pero parang pasok sa tenga labas sa kabila. Nakakadepress nakakalungkot. Lahat nalang ako. ???
twinmom