Heragest and Isoxilan, UTI and mixed emotions

Hello mga mommies, newbie here. Im not a first time mom, in fact this is my 4th pregnancy, my panganay is 12 y.o. I had two consecutive miscarriages, 2013 and 2014. Hindi ko bineblame yung dati kong work, pero i cant help thinking na one of the reason is yung work ko , I used to assist dermatologists in doing laser procedures like body contouring, radiofrequency, sometimes ako na din ang gumagawa pag wala pa sila sa given appointment w patients. during those times , if one month preggy ka pa lang hindi mo pa nalalaman eh irreg pa naman ako so feeling ko yung. heat and radiation pasok na pasok sa katawan ko resulting to hindi nakakayanan ng baby kaya bumibigay. yung 2nd pregnancy ko 3 mos na sya, then yung 3rd pa 2 months. Its been 6 yrs nung ngresign ako sa work. I never thought na magbubuntis ulit ako kasi natatakot na nga ako kaya nagpoprotect kmi pero may time cguro na nakalusot kaya eto im on my 10 wks. Super happy pero super worried. Im 40 yrs old na kasi, super pray ako na sana ibigay na ni Lord. Nakapahinga naman na yung body ko ng matagal kaya hoping na magok na. Nagworry ako kasi 1st ultrasound ko March 9 ok si baby, ok ang heartbeat etc. pero nung last March 18 pagihi ko may napansin ako na light brown sa ihi ko, that time feeling ko kinakabag ako kasi dighay ako ng dighay saka puro hangin tyan ko then pagwiwi ko ulit may 2 dots red blood sa wiwi kaya nagpanic ako. nagpunta ako kinabukasan sa hospital to check, thank god ok si baby nkita ko pa sa ultrasound na malikot, no hemorrhage and ok ang heartbeat. pero dahil twice na nga nakunan need palakasin ang matres at pakapitin. baka daw may infection sa ihi or ichecheck pa kung may problema ba sa kidney, im hoping na wag naman sana. Gusto ko lng malaman if meron dito na same experience din and how they cope up para mabawasan ang worries ko. Im not used in taking medicines kung hindi lang dahil sa babies, naoospital lng kasi ako if pregnant ako. Natatakot ako uminom ng isoxilan tas yung heragest na iniinsert pero needed eh. aside pa im taking aspirin pampalabnaw ng dugo and pinapagantibiotic pa ko para sa uti, then multivitamins.minsan kasi natatakot na ko magcr, palagi ko tinitingnan wiwi ko, minsan ok, minsan may paglightbrown na parang dark yellow naman. malakas naman ako uminom ng tubig and wala nman nasakit so far , uncomfortable lang sa pagtake ng mga gamot. Mag undergo pa ako ng mga test like kuv, urine culture etc tomorrow then next wk pa ulit babalil sa doctor. thanks for the time reading this and takecare, may god guide us all.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I can relate somehow sis, lahi naman po namin ang miscarriage and this is my first baby. First trimester pa lang, sobrang selan ko na. Mababa placenta tapos may extreme morning sickness pa ako, then UTI and vaginal infection kaya hirap na hirap talaga ako. Twice na ako nagka-UTI, pangalawa ngayong second trimester. Hirap ako kasi ang daming gamot, plus vitamins pa tapos bedrest din ako pero nilalakasan ko na lang din po loob ko hehehe though minsan sa gabi naiiyak na lang ako kasi di ko maiwasan mainggit sa iba ng slight kasi parang ang dali lang ng pregnancy nila kasi wala sila nagiging sakit or anything hehehe. Pero kapit lang tayo sis, makakaya rin natin to. God bless!

Magbasa pa

hi mayjunejuly. Yes sis, prayers lng din at lagi ko iniisip si baby, nakita ko kasi sa ultrasound na malikot sya and lumalaban kaya yun na lang din nagpapalakas ng loob ko. May sinasabi pa kasi sila na baka may APAS ako, sa pgh daw ginagawa yun pero ayaw ko muna isipin, saka na lang daw nila ididiscuss depende sa mga test result na gagawin if meron nga. nung binasa ko kasi natakot na ko, ayaw ko na mastress kaya tinigilan ko na pagbabasa. more on positive na lang para makagaan sa pakiramdam. Pero hindi din maiwasan magisip at maiyak eh, lalo na pag may nasakit sa katawan . Salamat sa advice, prayers for you sis. In jesus name, magiging ok ang lahat.

Magbasa pa