Byenan Problems

Hi mga mommies! Need your help and good advice about byenan problems. My husband and I got married last December 2019 but before that doon na ako nag stay sa kanila 2 months before the wedding kc may 3 months old baby kmi that time. Sa mga panahong iyon wala naman kaming problema ng mga inlaws ko and sa family side ko din. Until this week, dumating ang hindi ko inaasahang mararanasan ko din dahil akala ko sa mga teleserye at pocket book ko lang napapanood at nababasa. Hindi po kami pareho mayaman ni hubby kaya po pareho kaming nagpursige na maging scholar nung college kasi parehong d kaya ng mga magulang namin na mapagtapos kami. Bago pa man mag college ay tinanong ako ni hubby kung ok lng dw ba sa akin na magbarko sya at sabi ko naman po ay oo dahil din po sa mga pangarap namin. Sa awa po ng Diyos, gumraduate po ako ng cum laude sa kursong Info Tech at sya naman po ay Marine Engineer. Maswerte po ang kanyang magulang dahil wala po silang nagastos sa pag aaral dahil scholar si hubby at sagot lahat ng kompanya ang kanyang pag aaral. Fast forward po tayo... 11 years po kaming magkarelasyon ni hubby then nito lang 2019 matapos kong ipanganak si baby ay naipush na din naming magpakasal dahil pareho na kaming stable at handa na na mag settle down after nang maraming taong magboyfriend girlfriend. Hindi po kami nagsasama sa iisang bubong. Nito lang pong October 2019 nang pagbaba nya sa barko ay gusto nyo na makasama kami ni baby. So ako, hesitant syempre dahil kakapanganak ko lang, hindi pa ako fully recovered dahil na cs ako. Kaya sabi ko baka may masabi mga magulang nya sa akin na baka tamad ako dahil hindi ko sila matutulungan ng maayos sa bahay at sa pagbabantay kay baby. Pero sabi nya maiintindihan naman ako ng mga magulang nya and willing naman sila na alalayan ako. Mga unang buwan wala talagang problema, maganda ang pakikitungo ko sa mga inlaws ko at sila din sa akin. Dumating ang oras na kailangan nang sumakay uli ng barko ni hubby at napagdesisyonan namin na sa kanila muna ako magsstay sa weekdays dahil may trabaho ako and weekends na lang sa amin. Nagdadala ako ng mga pagkain at bumubili ng mga kailangang gamit sa bahay tuwing sweldo ko at kung meron akong extra dahil kahit man lng sa ganoong paraan mapasalamatan ko si MIL sa pagbabantay ky baby habang nasa work ako. Nag aabot din ako ng pera pambili ng ulam kaso binabalik talaga sa akin ng MIL ko. Siguro dumating ang time na medyo short na sa money si MIL kaya nagpaparinig na sya sakin na baka dumating na dw allotment nya kaya gusto nya icheck sa bangko. Kami naman ni hubby napag usapan na namin na ako na maghuhulog ky MIL buwan buwan. Naka budget na sila pero malaki din ang sobra na binibigay ni hubby sa kanila incase of emergency or may gusto silang bilhin. So ayun na nga, hindi pa din dumating allotment ni hubby pero panay parinig ni MIL about sa money kaya nagbigay ako ng pera pero hindi din tinanggap dahil ma pride po si MIL. Gusto nya sya lagi nasusunod or may kontrol sa lahat. Hindi nya pa siguro nagsink in sa kanya na may asawa na anak nya. At doon ko din nakita ang tunay na ugali ng MIL ko nang pera na ang pinag uusapan. Sabi ni hubby hulugan ko nlng muna ang account ni MIL gamit muna savings namin pra ky baby kasi mukhang need na nya ng pera. Naghulog ako ng amount kaso na short ako so naghalf half ako ng hulog. Pag check ni MIL sa passbook, nakita nya na hindi buo pagkahulog so naghinala na sya na iba na ang naghuhulog sa account nya. kinonfront nya c hubby at d dw sya magagalit pagsinabi nya ang totoo. Sinabi ni hubby na ako na ang mahuhulog ng pera sa kanila buwan2x dahil isang account na lamang pwedeng padalhan ng opisina nila. So ayon, biglang nagalit at kung ano ano na po ang sinabing hindi maganda tungkol sa amin na kesyo d dw namin sinabi sa kanya anong plano namin sa allotment at ayaw nya daw na parang binibigyan lng sya na hindi dw direkta galing ky hubby. Dahil nahihiya siguro at may pride din na dahil sya ang nanay dapat sya may hawak ng pera. Kaya nga po matagal ko na sinasabi ky hubby na kumuha na kami ng sariling bahay kahit maliit lng pra makapagdesisyon din kaming pamilya. Sa nakikita ko po gusto ni MIL na sya ang bigyan ng buong allotment at kami po ni baby ay hahatian nya. Kaya sobrang galit na galit nang malaman na sa akin na po ang allotment. Gulong gulo po ang isip ko. Ayoko naman pong pagsalitaan si MIL baka ma high blood bigla at ako pa may kasalanan kung ano man mangyari. Plano ko na din po na bumalik na sa amin dala si baby kung nagtatampo pandin sya sa amin ng anak nya. Kaya lang sabi ni hubby kmi na daw ang magpakumbaba kaya andito pa din po ako at maganda pa din ang pakikitungo ko kahit na nakasimangot na sya sa akin. Nahihiya na din po kasi akong iwan sa kanya si baby tuwing magtatrabaho ako. Ayoko po ng ganoong pakiramdam na hindi kami maayos. Ano po kaya maganda kong gawin or sabihin na makakapag intindi sa kanya sa sitwasyon at desisyon naming mag asawa? Maraming salamat po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas magandang dun ka nalang muna sa inyo kung may mag aalaga nmn sa inyo. Mahirap yan kapag mil ang kalaban mo. Baka dumating pa ung time na masagot mo yan kaya hababg nakakapagtimpi ka pa ikaw na lumayo. Pag usapan nyo yan. Baka magka PPD ka pa dahil sa mil mo

Isa lang solution: BUMUKOD.