Need advice
Mga mommies need ko lang advice. Pasensya na medyo mahaba. Ftm here and Hindi ko na kasi alam ano ba best decision. Nandito kasi kami sa province ni lip and kasama namin sa house parents niya. Babalik na si lip sa manila next month and ayaw ko maiwan kami ni lo dito kasi nahihiya ako at di ako makakilos ng maayos. May times din na hindi ko magawa gusto ko gawin kay baby like paliguan every day and i-pure breastfeed kasi everytime na kinukuha nila si lo tapos pag umiyak, nagpapatimpla ng formula milk. Madalas nakakaramdam din ako lungkot at pagod and si lip lang nakakausap ko about dito kasi madalas naguusap mga tao dito in their province language. Ang problem naman pag bumalik kami manila, stay-in si lip sa work and if ever magrent uli kami, wala kami kasama ni lo. Tapos Pag naman sa bahay ng parents ko, masikip na. Mukhang sa lapag kami matutulog ni lo. And nagsabi din parents ko na masikip na nga daw sa bahay and magrent daw kami pagbalik namin manila. Altho suggestion lang naman nila yon. Hindi naman nila ako or kami pinipilit magrent pero syempre, nagsabi sila ng ganun sakin so mapapaisip ako kung gusto ba nila kami ni lo sa bahay. Ano sa tingin niyo mga mommies. Maiwan nalang kami dito ni lo sa province or uwi sa manila?