NEED ADVICE
HI MGA MOMMIES NEED ADVICE PO PANO PO BA UMAMIN SA MAGULANG NA BUNTIS KA?NATATAKOT PO KASI AKO PERO AYAW KO PO GUMAWA NG MASAMA PARA SA BABY KO 8 WEEKS PREGGY NPO AKO

tell ko lang story ko before, yung sa ex bf ko, nabuntis nya ako pero wala sya work tambay ganern kaya nung sinabi ko sa kaniya na buntis ako gusto nya ipalaglag diba tarantado, twice ako mag pt para sure talaga, sinabi ko hindi ko ipalalaglag yung baby kase anak ko yun at kasalanan sa Diyos,. hindi din ako makatulog kakaisip kung paano ko sasabihin sa parents ko, isa pa na stress na ako sa bf ko that time kase nagbago sya bigla, kapag pumupunta ako sa kanila tinataguan nya ako, so nag decide na ako na sabihin sa parents ko, nilakasan ko na lang loob ko kase walang ibang tutulong sa akin kundi sila, nung gabi tinawag ko si nanay, hindi ako makapagsalita kase naiiyak na ako, naramdaman agad ng nanay ko, tinanong nya ako kung buntis ako, sinabi ko opo buntis ako, syempre reaksyon ng magulang magalit, nagiiyak na din sya sa galit kaya tinawagan nya tatay ko dahil nasa manila, pero never nagalit tatay ko, sinuportahan ako, nanay ko may tampo pero naging concern sya sakin pero nakikita ko yung minsan umiiyak sy sa sama ng loob, sa mga tita ko lang sya umiiyak hindi sa harap ko.. pinapa check up nila ako pero hindi ko din inaasahan na makukunan ako, never ako dinalaw ng tarantadong bf ko nun nanay ko lang ang nasa ospital para bantayan ako.. That was my past, now may asawa na ako na mahal na mahal ako, at syempre sa baby ko now na 5 months na.. . sorry mahaba pero ang masasabi ko lang sayo, kahit ano pa man galit ng magulang mo, sa tingin ko naman hindi ka nila pababayaan, lilipas din yun, mag pray ka kay God ba gabayan ka sa pagsasabi sa parents mo.. kaya mo yan
Magbasa paShare ko lang yung akin momshii para medyo gumaan ng konti ang Kaba mo. Nung nalaman ko na buntis ako nagPt kasi ako ng Dec 31,2019 hindi alam ng magulang ko na may jowa ako eto pa ang malala ang jowa ko ee May anak at hiwalay sa asawa Pero di sila kasal Nung sinabi ko sa Asawa ng kuya ko na buntis ako January 5 yon ee. Ayoko kasi ipatagal yung sitwasyon ko dahil 1month na akong Buntis nun at need na ni baby ng vitamins Last mens ko kasi nov. 2019 and then dahil nga Nag.aaral ako sa Caregiving alam ko mga symptoms ng buntis Saktong pasko NagSimba kami ng magulang ko Ang tagal namin nakatayo nun ramdam ko na parang nahihilo ako di ko lang pinahalata sakanila kasi Natatakot ako Tapos tinext ko jowa ko at pinag Pt ako bago Matapos ang Dec. So ayon na nga Nag positive No need to worry sis kasi Sa sitwasyon natin na ganyan dina tulad ng dati na papalayasin or magagalit No sis mas iisipin pa nila ang kalagayan mo kausapin mo lang sila ng mahinahon. 6months na akong buntis ngayon at Si papa ko sinamahan pa akong mag paCheck up kahit na May Covid19 Momshi sana nakatulong sayo ang Experience ko First time ko din mabuntis at Soon to be mummy na din Congrats sayo wag ka magpapaStress dahil delikado pa sayo dahil first trimester mo palang Blessing ang baby momshii
Magbasa paMas malala ang akin Tatay ng baby ko Pamilyado ee yung sayo binata.
Share may experience😊 Nasa probinsya pamilya ko hindi nila alam na live in kami ni hubby nun tapos nung nalaman ni hubby na buntis ako gusto nya ipalaglag hindi ko alam gagawin ko nun kasi 100% sure itatakwil ako ng pamilya ko.isa pa highblood nanay ko kaya super hirap ako nun. Hindi ko pumayag sa gusto ni hubby nun kaya nung sabi nya gagastusan nya para ipalaglag anak namin nagdecide na ko bahala na nasa hukay na kalahating katawan ko nun habang nasa bus ako pauwe iyak ako ng iyak buti nalang yung katabi ko buntis din kaya ayun nag ask sya kasi simula pagsakay ko palang daw mugto na mata ko. Pababa na ko nun hindi ko mailakad mga paa ko sa sobrang takot kasi lahat nang kapatid ko pinsan ko kasal sila ako lang hindi. Pero nagkamali ako sis malayo palang nakita na ko ng mga kapatid ko nakatingin sila sakin iba tingin nila nanginginig na ko nun paglapit ako bungad sakin ng isa kong ate. May problema ka no! Iba awra mo ngayon eh. Biglang buhos luha ko ayun nasabi ko buntis ako tapos narinig ng nanay ko siguro na gets nila agad kasi hindi ko kasama nakabuntis sakin inakap ako agad ng mama ako and nagbigay ng advice pero after 3 or 4 months ata yun umuwe samin si hubby ayun nag aya sya magpakasal kasi ayaw ng pamilya nya kinasal kami.
Magbasa paHello i feel you! And sobrng stressful sa situation nyan yung tipong gusto mong maglaho, 5 months kona nalaman buntis ako ang nursing student ako ireeg kse ako non and super busy, sobrng taas ng expectation nila sakin, peeo 1 month ako ngtago bago nila nalamn, If i were u, sabhin mo ng maaga, unang sabhan mo ung alam mong sa pamilya mo ay aalalayan ka atleast may cocomfort sayo, SUPER D KO KAYA SABHIN HIRPA NA HIRAP AKO GUSTO KONG MAGLAHAO AT PANAY IYAKA AKO PERO SABI KO NEED KO HARAPIN AT IHANDA SARILI KO ako snabhan ko sa fmliy ko is ung kapatid ko then pinpalakas nya loob ko sabhan and un Sya ngsabi sa mamako kse dko tlga kya tska ako nmn kinausap ng mama ko hagulgol iyak ko tas ayun si mama nmn nging kakampi ko sasabhan sa iba kong fmly then ngyon TANGGAP NILA KO at d ako Pinahirapan may iyakan session pa as in. Then ok na, NREALIZE KO NA SANA SINABI KO NG MAAGA THAT DAY NA NALAMAN KO PARA NAALAGAAN KO KSE ALAM KONG DRTING UNG ARAW NA MALALAMN AT MALALAMAN PRIN NILA GO GIRL kaya mo yan!! Ganyna tlga napahirpa umamin pero sinasabi ko sayo, ngyon plng mas magnda maaga maging ready klng kung ano mn maggong reaction nila, kse drting tlga ung araw na lalaki tyan mo or mappansin nila.
Magbasa pathankyou poo
Nalaman kong buntis ako sa first baby ko nung grade 10 ako ako takot na takot ako lalo na sa papa ko , kaya ginawa ng asawa ko sya ang umamin at sya ang unang nakipag usap sa magulang ko tapos nun sumunod na yung magulang nya na nakipag usap ,yung akala ko bubugbugin ako di pala mas minahal nila ako kasi apo nila dinadala ko ,katwiran namen mag asawa pareho namen ginusto pareho kame sumuway sa magulang pareho din namin aayusin ang lahat ,at d ka matitiis ng magulang mo kahit ano gano pa kalake kasalanan mo higit sa lahat kadugo nila dinadala mo, think positive lang at magpray ka 🥰😊
Magbasa paGaling na ako dyan sis. Lahat ng masasakit na salita at sampal tinanggap ko, kasi magulang yun magagalit talaga. Tiniis ko lahat yun. Ngayon okay na lahat. Tanggapin mo lang lahat. Pero wag to the point na may mangyayare masama sa inyo ni baby. Pray ka din. Ginawa kasi namin. Sa parents muna ng bf ko. Tapos sinamahan kami sa bahay nun. Para makausap. Kahit nangasamp ako sa harap nila oks lang. Wag lang mapano baby ko. Hehe. Lakasan mo lang loob mo. Goodluck mommy. Wag mo papabayaan si baby. Hehe. Godbless
Magbasa paSame sis. Hehehheeh
gosh ganyan na ganyan feeling ko girl, since 19 pa lang ako at 1st year college pa lang, advice ko lang wag mong bibiglain, mag iwan ka ng mga clues, sakin Kasi mama ko nakahalata na eh bago ko pa malaman.... Kahit anong paraan gawin mo magagalit talaga sila pero sa una lang Yan, matatanggap pa rin nila yan Kasi nandyan na Yan, aalagaan pa nila ikaw, ganon Kasi sakin eh, halos palayasin na nila ako pero ngayon Todo sila alaga sakin at mas excited pa mama ko kesa sakin
Magbasa paKakapasa ko lang nang board exam noon nang malaman kong buntis ako. Hindi ako nag atubiling sabihin sa parents ko na may nangyari samin nag bf ko at nagbunga ito. Inisip ko nalang na kasalaman ko naman kaya tatanggapin ko lahat nang masasakit na salita o kong ano man at the end natanggap naman nila at sa ngayon mas excited pa sila sa panganganak ko. Sabihin mo nang walang pag aalinlangan panindigan mo dahil sila yong una at huling tao na kakapitan mo.
Magbasa pa...nung time na sabihin namin ng bf ko sa parents ko na buntis ako.. excitement naman ang naramdaman ko excited ako na ibalita sakanila kabaliktaran sa dating iniisip ko na what? If mabuntis ako..magagalit sila im sure pag ganun ang nangyari. Pero hnd pala masarap lang sa feeling na tanggap nila ang lahat saamin. At ramdam mo ang suporta ng parents mo sayo at excited din sila para saakin ☺️
Magbasa pamas better if parehas kayo ng partner niyo ang magsabi if hindi ka pa nakapagtapos ng studies mo iready mo na yung tenga mo more on sermon minsan pero may halong pagmamahal yun syempre alam nila gaano kahirap bumuo ng sariling family pero pag nakapagtapos ka na less sermon lang amd more on advice pero depende padin sa parents mo yan mas better both of you ang magsabi
Magbasa pa