Tiktik? Aswang?

Hi mga mommies! Naniniwala ba kayo sa tiktik? Random thought at 3am kasi di na ako makatulog. Sabi nila usually daw ang mga aswang nagbabalat kayo bilang hayop at since nasa urban area madalas pusa ung ginagaya. Ayaw ko man takutin sarili ko ang weird lang kasi simula mabuntis ako saka lang may pumapasok na pusa sa bahay:( ngayong gabi lang naabutan ko nanamn ung pusa pati nung nakaraan mgbabandang alas tres ng madaling araw. Mga saktong oras na kumukulo ung tyan ko. Kaso imbis na sa lamesa o kusina magtungo aakyat ng kwarto namin. Nung nakita ko imbis na tumakbo akmang papunta pa sakin. :( May mga nagkekwento skin about sa aswang at sa kaya nung gawin sa baby sa tyan ng di namamalayan kaya lalo ako natatakot. Kaya po di maiwasan maparanoid about it. :( Kayo po ba may mga experience na ganun?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Totoo man o hindi, part na talaga satin yan bilang pinoy. Kung madalas na yan pumupunta, lagay ka nlng po pangontra like nakabaliktad na walis tingting sa may pinto, magbudbod ka ng asin at bawang sa may bintana, at mga matutulis na bagay like gunting or kutsilyo..