Hi mga mommies, naisugod ako nung hospital nung sept 3 dahil sa pagtatae at pagsusuka as in napakasakit ng tyan ko, then lumabas UTI, nung natapos ko gamot sabi ko sa sarili ko d pa ako ok edi nagpalaboratory ako urinalysis ulit nagpacheck up at meron pa nga niresetahan ulit, after nun sabi ko parang walang pagbabago... Pinaculture na nila ihi ko at naadmit ako ng 5days kasi sa swero ko na pinadadaan yung gamot at nagpreterm labor din ako nun 💔 . Oct 3 nakalabas ako hospital may 2wks ulit na gamutan at natapos ko na ... ngayon yung ihi ko may kasamang dugo, di kami makalabas ng bahay kasi nakahome quarantine kami kasi yung kapatid ko nagpositive sa NCOV ... nagchat na rin ako sa mga OB online wala pa ring tugon 💔💔💔
baka po may Ob rito pls sana matulungan nyo po ako... naubos na rin po ipon ko po dahil sa pabalik balik na hospital at mga gamot 💔
Rexiene Zebadiah Narvaez