mixed feeding

Hello mga mommies, magtatanong lang ako kasi pure bf po kame ni baby. Ngayon di na kaya ang demand ni baby masyado sya matakaw na at umiiyak sya sa boobs ko alam ko nakukulangan sya sa gatas ko. Balak ko na mag mix feeding Hipp Organic CS po ang gatas na binili ko kasi g6pd+ sya. Ask ko lang po kung ilang beses kayo nag papa fm kay lo sa isang araw? At ilang oz. 2months old na po sya at need na po ba mag vitamins ang baby pag mixed feeding? Di ko pa kasi mameet pedia nya sa march pa. Thank you.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

No need na po mag mix feed kung hndi ka nmn magwowork. Never magkukulang ang mga gatas nating mga mommies in fact, mas maganda to sa katawan ng mga babies dahil it will help to fight infections po. Lalo na may g6pd baby mo. Hndi porket iyak ng iyak ang baby is nakukulangan sa gatas natin. May growth spurt po na tinatawag, wherein, ang mga babies eh laging gustong dumede at iyak ng iyak. That's normal. Nararanasan ng lahat ng mommies yan. Ang comfort mo is enough. Atsaka mas oonti ang milk supply mo kapag nag mix feed ka pa dahil oonti ang demand ni baby sa milk mo. Iwasan mo po mag doubt sa milk mo. Hope it will help. Sali K din sa breastfeeding pinays na group sa fb. Madami ka matututunan dun

Magbasa pa
VIP Member

Hi. Once you started fm, mas hihina gatas mo. Padede k lng ng padede khit mayat maya. Nagfm lng ako nung bumalik ako sa trbho ko. Ayun, tuluy tuloy na yung mix feeding namin hnggang ngayon. Hipp user din kami. And g6pd def din anak ko

Dapat po kasi hindi kayo mag alinlangan na pumunta ng maaga sa pedia kahit hindi mo pa scheduled appointment. Wag kang manghinayang sa gastos kung kalusugan ng anak mo yung nakataya.

Yes po , gaya po ng sabi ng iba once na nag fm ka mas hihina po ang gatas mo ilang buwan napo ba si baby minsan kasi hindi siya guyom sadyang naghahanap po siya ng comfort sa inyo.

Saken twice a day 2oz lang lagi sya.. madalas skn pdin d ko nga lang sure kung malakas pa milk ko d se ko nagpapump. malakas ako uminom ng water

Kung ebf ka. Baka hindi gatas ang dahilan kung bakit sya naiyak. Or growth spurt yan. Parang laging gutom. Kahit kakadede lng.

Mixed feed din baby namin. Pero mga twice a day lang formula. Pang top up. Minsan 2oz minsan 3oz.

Unli latch lang po sis.