Itatama pa ba o tama na?
Mga Mommies mag s-share lang ako ng mga rants ko, medyo mahaba pero sana may maglaan ng time para basahin. Di ko na kasi alam kung anong dapat kong gawin. Nag apply ako ng work as Cashier sa isang malaking company. Nakapag requirements na ako tapos ko na din ang orientation, may schedule na din kung kelan start ko. Pero ayaw ng Live in Partner ko na ituloy ko. Nagalit siya kasi around 6:30 na ako nakauwi nung i-norient kami dahil may biglaang meeting yung mga head sa company na yun. Pero hindi niya pinapakinggan yung paliwanag ko. Sarado yung isip niya. Dati pa talaga makitid na siya mag isip. Ang dami dami niyang sinabing masasakit. To The point na lumabas na bibig niya na mamatay na daw ako. I feel bad lang never siyang nanghingi ng sorry. Sabi niya rin na huwag ko daw hintaying ipahiya niya ako sa papasukan kong work. Nakakalungkot lang na kung sino pa yung akala kong magtatanggol sakin siya pa yung unang mag dadown. Ang Lakas niyang mag sabi na Huwag akong mag trabaho. Pero hindi niya naman ginagawa ng maayos yung responsibilidad niya. And isa pa lagi niyang sinusumbat sakin na wala akong kwenta, walang ambag, pero 100 pesos lang naman iniiwan niya samin araw araw pangkain namin ng anak ko, agahan, tanghalian at meryenda ng anak ko. Naawa ako sa anak ko, kaya gusto kong mag trabaho, gusto kong magkaroon ng sariling pera at pagkakakitaan. Ang hirap pag wala kang mapag sabihan ng mga hinanakit, atleast kahit papano gumagaan loob ko dahil sa apps na to. Thankyouu ng marami The Asian Parent App, at sa mga Co-mommies ko dyan na nag tyatyagang mag basa at magbigay ng komento sa mga rants ng mga nag popost dito. Marami salamat sa Inyo ❤️