Hiccups ni baby

Hi mga mommies. Kung san po ba ung parang hiccups ni baby andun po ung ulo nya? Minsan po kasi nasa may bandang puson ung akin. Tas minsan nasa bandang taas. Pag napapansin ko po na nasa taas magpapamusic po ako sa may puson ko tas ayun parang dun na sa may baba nanggagaling ung hiccups, so parang umikot po sya pero di po ako sure. Di pa po ako nagpaultrasound para malaman kung ano na po position ni baby. Last time po kasi naka breech sya.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

. di mo rin malalaman kung hiccups ba talaga Yun ginagawa ni baby..while listening to music kausapin mo rin po baby mo ❀️ .pag ako nagpapatugtog Lagi lang sa puson , so happy na napakalikot Ng baby ko 😊😊 sipag gumalaw at madalas kanan.

di malalaman exactly kasi ang sinok po damay ang buong likod ni baby kung mangyayari. best talaga ay magpaultrasound. sakin kasi nun ang sinok sa taas at tagilirian pero cephalic naman.

Momsh dun ka lang sa bandang puson magpa-tugtog para di sya naikot,mahirap pag pumuwesto sya into breech lalo pag 3rd tri ka na. May possibility kase na di na mag-cephalic.

sakin mi yung parang hiccups nya nasa puson lng namn pero nagpa ultra ako naka breech position naman sya.