39 weeks 1 day, no signs of labor yet(?)

Hello mga mommies. Kaka 39w&1d ko lang, pero no signs of labor pa naman ata? Puro paninigas lang ng tyan, then kada maglalakad ako or kahit nakasteady lang parang biglang may sharp pain sa may singit ko. Minsan nawawala yung paninigas ng tyan, pero minsan nagtatagal din. Kaso mukhang braxton hicks lang ata. EDD ko, April 08 na based sa UTZ ko. Pero sabi ni OB, if LMP eh April 15. Ang kaso, gusto niya na sana nasa dates lang na ito maglabor at manganak na raw ako: April 8, 9, or 10. Hindi na raw pwedeng umabot ng April 15. Kung April 8 na raw at no signs of labor pa rin daw ako, bumalik daw ako para painumin niya na raw ako ng pampaanak or pampa-induce. Then kanina, bumisita ako sa isang Maternity Clinic, sinabi ko yun. Sabi ng Midwife, may mga cases daw sila na pumupunta daw sa kanila mga buntis na nagle-labor na pala pero hindi raw nila alam na naglelabor na pala sila. Na kala daw nila normal contractions, walang nafefeel na pain daw masyado, pero labor na pala. Minsan, 7cm na raw pero hindi pa raw nila alam. So possible kaya na ganon ako mga mommies? Na yung inaakala kong Braxton Hicks lang, eh naglelabor na pala ako? Medyo mataas rin kasi pain tolerance ko, huhu. Eh hindi rin naman nila ako in-IE. Bukas pa ako babalik, para magpa UTZ sa Maternity clinic and NST daw. So may mga cases ba dito na naka experience ng “silent labor”? #worriedmomhere #aprilbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

same us 39weeks and 3days na ako..puro ganyan lang din nararamdaman ko 2weeks 2cm hindi na taas

8mo ago

ako Mii bukas due date ko na..nag iinterval na ang sakit mga 10 minutes po..malapit na kaya ito mii?