7 Replies
Kailangan mo i handa ang loob mo mommy. Ako di ko inexpect na ganun ka sakit mag labor pero inihanda ko na sarili ko before that. At iniisip ko na gusto ko na makita lo ko. Maya kahit 24 hours ako naglabor at na induced ako, kinaya ko kahit na akala ko mamatay na ako sa sobrang sakit. Sa pag labor naman, wag ka umere hanggat di pa time na papa erehen ka ng doctor. Inhale exhale ka lang. Sa ilong ka inhale at mouth ka exhale. At pag time na na isasalang ka na at sinabi ng doctor na ere, ganito ang pattern, INHALE, EXHALE, INHALE, CLOSE YOUR MOUTH AND PUSH. Kaya mo yan mommy! Goodluck and Godbless sa pagpapanganak mo at kay baby. ๐
List of things na kailangan ni baby at sayo. Yung nasa delivery room na ako, mali yung pag iri ko. Nairi ako na nasigaw. Wag mu yun gagawin. Ang gawin mu *peace of mind *mkinig sa magpapaanak sayo * laging open legs. Wag icclose baka maipit ulo ni baby pag anjan na. * para ka lang natae. *Pusssh! Isabay ang ang paa at kamay. Hila sa kamay. Sipa sa paa. Open legs.
maraming salamat sa advice mommy, lalakasan ko nalang loob ko, tutal wala naman ako makakatulong. bahala na sa kung ano mangyare :(
Sis only prayers and kapit kay Lord ang makakatulong sa iyo. Huwag ka muna ma- stress maakasama sa iyo. Handa mo lang yung mga baby dress and lampin ni baby atsaka extra damit mo , underwear and sanitary napkin. Dapat magsama ka ng relative mo sa hospital in case of any unexpected emergencies. Ingatan ka nawa ng Dios pati si baby.
Momsh may few articles sa webite natin na I hope makatulong din sayo... https://ph.theasianparent.com/handa-ka-na-ba-sa-panganganak https://ph.theasianparent.com/mga-dapat-gawin-para-madaling-manganak https://ph.theasianparent.com/mga-dapat-na-laman-ng-maternity-bag
sige mommy, basahin kopo yan. maraming salamat po
Bakit po di na po kayo aabutin ng duedate po? Manood po kayo sa yt po ng proper breathing po tapos ipractice niyo na po. Wag din po kayong sisigaw or iiri agad pag naglelabor na po kayo. Mauubos po energy niyo sa actual pag lalabas na si baby.
Nagpreterm labor din po ako ng 30 weeks ako. Naconfine din po ako. No worries na po yan kasi nainjectionan na po kayo ng mga pang mature ng lungs ni baby tsaka pampalakas niya din. June 13 duedate ko pero May 19 ako nanganak po. 36 weeks lang ang baby ko. Pero okay lang po un baby ko. Walang naging complications po.
August anong date ka sis Due date ako Kasi due date ko August 5 pero pwde July katapusan
tuliro na nga po ako at stress na stress na. wala pa akong makausap at mapanghawakan ng tibay ng loob at lakas kaya ang dasal ko nalang, bahala na si lord, kung hindi ko man kayanin. alagaan nalang nya kaming dalawa ni baby.
kaya mo yan momshie. praying for your healthy and safe delivery. goodluck po
Anne Gomez Badao