Baby's weight
Hello mga mommies! May itatanong lng sana ako. May 6 months old baby ako at 8.3 kilos na sya agad. Sabi daw overweight sya at may mga ilan nagssbi skin na idiet ko at masyado daw mataba ang baby ko. Eh ung Papa nya ksi at ako malaking tao tlga. Controlado ko naman ang pag inom nya ng gatas at cerelac pa lng kinakain nya. Minsan naooffend lng ako pag snsbi ng mga tao na ang taba masyado. Eh diba okay lng naman yan kasi baby pa lng? Tpos pag payat, ssbihin naman masyadong payat. Hndi ba tlga maganda sa baby na sobrang taba kahit tlgang nsa genes nya na malaki syang bata?
Super same tayo mommy. Kaka 6mos lang dn ng baby ko pero before sya mag 6mos 8kls na sya. For me okay lang naman, kasi in the 1st place di pwede i diet ang ganyang edad at pedia narin mismo nagsabi. Thankful parin ako as long as hindi sya nagkakasakit okay nako. Awa ng Diyos ni sipon hindi pa naman sya nagkaron. Dont mind them nalang mommy, kasi walang maitutulong ang negativity. 😊
Magbasa pabase on my pedia. wala naman diet diet sa baby. pakainin po kung gusto wag pigilan. kasi pag naging malikot na sila (tumatakbo, gapang, lakad) mas madami energy magagamit nila then mapapansin niyo papayat po yan ng kusa. baby ko dn mabigat, nasa red line na siya ng weight data ng pedia. but she said ok lang. pakainin padin si baby, walang diet
Magbasa paAs long na healthy ang baby sabi ng Pedia okay lang yan. Kase makikita naman ng pedia kung nasa genes nyo mag asawa un laki ni baby. Pero kung di kayo malaki ni mister at malaki ang baby nyo dun sasabhn ng pedia na dapat idiet. Ngayon kung alam nyo health ang baby nyo wag na lang kayo makinig sa iba. Mas alam nyo yan dahil kayo ang nanay 😊
Magbasa paAyun nga po eh :( nalulungkot lng ako pag kinukumpara sya sa ibang bata na hndi daw ganun kataba pero bibo. Eh sobrang bibo dn nga ng anak ko kahit mataba.
Ang baby ko po 6 months 10.5 kilos na nga yung mga damit nya pang 1 or 2 years old na kasi malaki sia nakakapagod pang padedehin kasi kapag d sia makatulog isasayaw ko pa
Don't mind n lng po snasabi ng iba, ang mhalaga hindi skitin c bb. Kung ano po say ng pedia, dun n lng po tau mkinig.
Sakto lang naman po weight nya sa edad nya baby ko nga noon 6months 9kilos. Payat nga lang tignan pero mabigat baby ko.
Huwag nyo nalang po pansinin chaka pag newborn pa po halos overweight po kc habang lumalaki dun palang sumasakto ang timbang sa edad. Chaka baka mahaba naman po baby nyo. Basta healthy po at hindi obese ok lang po yan.