Question to working moms

Hi mga mommies, I'm 11 weeks pregnant and this is my first baby. Nahirapan din ba kayo pumasok nun first trimester nyo lalo na sa mga panggabi. Ito kasi yung dilemna ko. Hirap na hirap ako pumasok, nag LOA nalang ba kayo? How did you get through the morning sickness while working? Thanks po.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, I’m working in the BPO industry as well. At talagang hindi naging easy for me yung first trimester. I could not even properly eat dinner (kasi ito yung oras na talagang nagkaka morning sickness ako) and aside from that is yung mga ibang pregnancy symptoms that I have to deal with every day. Not to mention, may klase pa ako sa umaga and work sa gabi. Imagine huhu. Ngayon, 14 weeks na ako. I can’t say nawala na pagsusuka ko but I could safely say na nawawala sha tas babalik (especially when triggered). I was not able to absent nlng kasi I wasn’t regular yet at wala pa akong paid leaves. So for your question, the ff. helped me talaga big time. • Keep an emergency kit (Inhaler, Vicks Vaporub, Pre-natal Vitamins, etc.) TAKE NOTE: NO OTC DRUGS. I had to deal with my nausea & morning sickness with no medication. (kasi not all OTC medicines are guaranteed safe for pregnancy. Always always consult ur OB) Talagang vicks/inhaler lng gamit ko. • Drink WARM water (My life-saver!!) Minsan nga nag wa-warm compress ako at nilalagay ko sa baba nang puson ko (only for a couple of mins because I read somewhere na hot compress is not safe for the baby so d ko pinapatong sa tiyan ko. Sa may bandang pelvis area nlng. • Eat small amounts of food/fruits - When my morning sickness hits, talagang I resort to kalamansi juice/orange because it made me feel better. • Do your own research. Watch helpful youtube vids. Learning should never stop. • Last but def not the least, REST talaga MORE THAN ANYTHING. Get enough sleep. Drink plenty of water.

Magbasa pa
2y ago

hey mommy! thanks alot for the tips! We'll get through this🤗

FTM here, may work din ako ng mabuntis 5days a week (3days nun ay 24hrs duty straight). Nagresign ako kasi npakasensitive ng ilong ko, palagi akong nasusuka mas lumala kapag kulang sa tulog panay sakit ng ulo. I can't work properly maapektohan din yung workmates ko. Kung may pera ka nman hinto ka nlang muna for the safety niyo ni baby not to scare you but anything could happen, ok nman yung 1st trimester ko except unending suka nung mg 6months nagspotting ako bed rest nga ako since 1st trimester nangyari pa rin to sakin paano nlang if nagpatuloy ako nagwork? Mas mainam na maingat nlang talaga.

Magbasa pa
2y ago

ilang weeks ka na ngayon miie

Hi mie, I was working when I learned about my pregnancy. By the time I experienced morning sickness & was even diagnosed of having HG (extreme nausea & vomiting), I asked my manager if I can take a leave as advised by my OB. I don’t want to take risk kasi. If you want to take a leave too, you may ask for your OB’s recommendation. If otherwise naman, I was able to get thru some days while working thru prescribed meds to relieve nausea as much as possible. Not 100% helpful for me though.

Magbasa pa

6weeks preggy ako nung nalaman ko at night duty ako sa hospital. buongb1st tri ko. imgaine yung hilo at suka habang nagaasikaso ng mga pasyente 😅 kaya di ko natiis nagaabsent ako oag di kaya talaga. namatayan na kasi ako ng baby before due to work sched at stress. kaya nung nabuntis ako ulit, di na ko nagisip masyado about work. sick leave ahad pag alam kong hirap ako. may araw naman kais na okay pero mas maraming araw na hindi okay dahil maselan ang 1st tri ko.

Magbasa pa
2y ago

I can't imagine yung ganung pakiramdam tapos nag-aasikaso ka din ng patient. Totoo, mas madalas po ang araw na masama ang pakiramdam, di kasi kami allowed na basta umabsent, kaya pinaglo-LOA nalang talaga ako.

TapFluencer

Sa first trimester ko - bukod sa matinding food aversion at pagsusuka, may SCH din ako (magaling na siya, TYL!). WFH ako pero I’ve decided na wag muna pumasok hanggang second trimester. Advise din kasi ni OB na complete bed rest dahil sa SCH. Second trimester, medyo nasusuka pa rin. Ang naging solution for me is lagi ako nanguya ng peppermint or spearmint na gum. It helped naman 🤗

Magbasa pa

ftm here. 12 weeks na today. and nagwowork po sa hospital. byahe ko po everyday 2hrs one way . hindi ako nahirapan gumising pero kapag nandun na sa work tinatamad ako magwork 😅 parang gusto ko nalang humilata haha saka suki din ako ng banyo dahil sa morning sickness. kinakausap ko nalang baby ko na makisama lalo na sa byahe 😅 tinutulog ko nalang para di masuka hehe

Magbasa pa
2y ago

awww ang hirap nga momsh, pinipilit ko kaso di talaga kaya kapag nasa bahay ako, manageable kasi pwede matulog anytime kaso kapag nasa work, di pwedeng cr ng cr kasi laging may kausap na customer. Layo din ng work ko kaya nahihilo din ako sa byahe.

same po and nagsspotting ako. nagrequest ako ng WFH pero di pumayag. nagLOA nalang ako. until now sumasahod pa rin kaya may contribution pa sa SSS pero mukhang magrresign nalang ako. regarding sa morning sickness, wala ako nagawa nun. di tumatalab yung mga gamot, pababa ng pababa timbang ko. kalagitnaan na ng 2nd trimester kusang humupa

Magbasa pa
2y ago

sis i've been there already.. sobrang hirap pag nasa 1st trimester tlga. Hnd ako masyado kumakain esp pagmagbbyahe kc masusuka ako and mahirap sa pakiramdam nanghihina ka tlga.. ang inadvise lang skn na kainin ko is plain biscuit lang like skyflakes yan lang baon ko plagi and buti nga sa call center plagi klng nakaupo and malamig kaya mdyo nawawala ung pagsusuka ko. Nakaya naman sa loob ng 3mos pagpasok ng 2nd trimester medyo mawawala na yan pakonti konti.. Ngaun nasa 3rd trimester na ako mas marami ka pang maeexperience kc ngaun masakit na cya sa pelvic bone and leg cramps na. Kaya stay strong lang sis para kay baby..

ako pinagleave ng OB ko. babalik na lang after 1st trimester. nurse ako sa hospital so shifting ang schedule sabi ng OB ko baka mahirapan ako at ang development ni baby kaya pinapatapos nya ang 3mos ko. Mauubos nga lang ang SL ko at LOA na pag naubos na lahat. Pero ok lang naman yun para naman din sa inyo ni baby yun. ☺

Magbasa pa

lagi akong kumakain habang nag wowork, para hindi maantok since yun lang naman ang morning sickness ko yung parang hinahatak ako pahiga ng pakiramdam ko. Lalo na malamig kasi aircon. Hndi naman pwede magkape. so kain na lng ng mga gusto mo kainin habang nag wowork.

ako sobrang selan ko magbuntis. so, my OB advise na mag infinite leave ako sa work. she gave me a certificate na binigay ko din sa work ko. kaso nakaunpaid leave nako. but the good thing about my company, e tuloy tuloy parin sila sa paghulog ng benefits ko☺️