"Pwede ba ako ma-layoff/ terminate sa trabaho dahil sa pagbubuntis ko? Ano ba ang batas? HELP!"

Mga Mommies! I work in a very small start-up agency. As in everyday work contribution ko is important sa company. So I got pregnant na (first-time) and sinabi ko siya sa aking boss. Napansin ko na nagbago ang pakikitungo sakin, hindi na nila ako binibigyan ng projects at para bang naghahanap sila bigla ng "temporary replacement" para sa aking maternity leave. Kinakabahan lang po ako na baka tuluyan po akong palitan ng aking replacement. Ngayon ko pa po kailangan ng trabaho, na may darating na bagong member ng family na gagastusan din. What if ilay off nila ako? Ano ang laban ko? Ano ang rights ko? HELP!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Usually ganyan mi pag nalaman na buntis especially pag 1st time mom. Usually kasi nagreresign ung mga 1st time mom pag naging maselan ang pagbubuntis or kapag walang mag alaga sa newborn. Ganyan din kasi ako mi before nagresign din nung 6 months na. Di rin natin sila masisisi pero may mga company naman na understanding. Nagpaplan B sila para di madisrupt ung operation. Ipakita mo lang na kaya mo naman kahit buntis ka. Wag ka na mastress mi. Laban lang for baby. Keep praying!

Magbasa pa

I think reasonable lang naman po na maghanap sila ng temporary replacement, at lesser projects lalo na at magma-maternity leave po kayo. Sure naman po na hinuhulugan nila ang SSS nyo, at may contract naman po kayo? If the company terminates you unreasonably during your maternity, pwede po kayo magfile ng complaint sa DOLE.

Magbasa pa