MATERNITY LEAVE

Hi po. I am 10 weeks pregnant. Call center agent po ang work ko at pang gabi po ang sched. Sa company po namin, applicable lang mag maternity leave pag naka 9 months na sa trabaho. First time mom po ako. And nahihirapan talaga ako sa night shift work ko mula nung nagbuntis ako. Ask ko lang po if kelan ba pwede magstart ng mat leave? May specific months ba ng pagbubuntis yon. Or pwedeng mag mat leave kahit 6th month of pregnancy palang? By July kasi, 10 months nako sa work ko and 6th month of pregnancy. Confused po ako if pwede na mag maternity leave non, or dapat ba pag nanganak na tsaka lang tinetake ang maternity leave? Salamat po sa sasagot.#advicepls #1stimemom

MATERNITY LEAVE
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

as far as I know dapat may benefits kapa din na matatanggap like maternity leave ang pag papa.process nga pang is through company.. as early as 3months nga dapat nakapag file kana para matanggap mo sya before ka manganak.. i think kelangan mo tulong ng tl mo para ma.inquore yan ng kompleto sa HR nyo. Before, call center agent din ako nung nagbubuntis ako.. nagleave lang ako ng 1st month of my pregnancy kasi nagspotting ako pero after that tuloy tuloy pasok ko hanggang 9months tiyan ko.. dapat lagi ka lang nagpapa check sa OB mo para malaman kung maselan kaba sa pagbubuntis or hindi. at kahit okay kung sa tingin mo e mahihirapan kapa din pwede ka din naman muna magpaliban sa work.. remember priority mo dito katawan mo at si baby.. always ingat lang at laging sumunod sa sasabihin ng OB mo.. ask professional padin kahit mukang praning kana importante e lagi safe kayo ni baby. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Night shift din po ako noon sa first baby ko. Nahirapan din pero since okay naman mostly ng lab result nakapag continue pa din ako mag work. Ang due date ko po nun is Dec. 2nd week pero nag leave na po ako ng 3rd week ng Nov. then 1week na ako naka leave nun nanganak na ako. mag start po ang maternity leave mo sa date po ng panganganak. tapos yung previous leave naman po binawas sa vl and sl ko. kung maselan po talaga kayo magbuntis pwede po ninyo sabihan si OB tapos inform nyo po si HR. papayag naman po sila ..

Magbasa pa
VIP Member

Call center agent din po, night shift din. Sa company kasi namin pwede na kami mag file ng maternity leave as early as 60 or 90 days yata before edd eh. 180 days valid yung mat leave sa company namin. Advise mo nalang HR niyo and pwede mo din ask si HR about sa mat benefits mo dapat meron yan 🙂 Also, pwede mo ask si OB mo kung pwede ka gawan ng request for morning shift para mapasa mo sa OM or coach mo requesting sa change ng shift to morning.

Magbasa pa

Depende po kung CS ka or Normal. If kukunin mo ng maaga leave mo hindi ka makakasahod up until makuha mo ung maternity benefits mo, most call centers give you the half of your benefits pag na complete mo na ang mat1 requirements. Sa mga naging anak ko, sa dalawa nag start ako mag leave 1 week bago ako manganak kaya nakapag spend pako ng more than 1 month with my babies bago bumalik.. sa bunso kinailangan ko bumalik kaagad dahil no work no pay..

Magbasa pa

Pwede naman po mag early leave eh. Kaso nga lang mas iiksi na ang rest mo nyan after panganak kasi di ka pa nanganak naconsume mo na po maternity leave mo. Sa case ko hinintay pa na manganak ako bago tinanggap ang maternity leave ko. EDD ko is Jan 15 so pinasa na ng substi ko in advance yung leave ko kaso icoconfirm pa daw muna na nanganak na. Buti nalang 9 nanganak na ako kaya naiprocess agad.

Magbasa pa

as per expanded maternity leave under R.A 11210, 45 days before edd pwede ka na magleave. other employers one month before edd nila inaallow. pwede ka naman mag leave kung may sick leave credits ka.

pde sickleave k..nid mo medcert para maipasa sa comp..ako on leave start 5 weeks hanggan mkpanganak...bbyaran ng sss 120dsys mo

i worked in a BPO too, I suggest mag pa medcert ka sa O.B mu ng bedrest until manganak ka kamo kase nahihirapan ka magpang gabi

VIP Member

Alam jo nasa batas ang maternity leave, hindi yan per company policy