18 Replies
it's your call po, kung anong feeling mo na mas makabubuti sayo, sa family mo at sa baby mo un po ang sundun niyo. NICU nurse po ako and 32weeks preggy. one year na ang pandemic nung nagbuntis ako pero tinuloy ko po ang work ko kahit alam kong risky especially puro covid cases ang pasyente namin. both kami ng partner ko may work pero ikakasal kasi kami kaya tinuloy ko work ko dahil kailangan ng budget. and now malapit na ako manganak pero still working pa rin ako kasi sinisigurado ko na kahit exposed ako sa covid patient nagpoproper PPE ako, hand washing or alcohol rubbing. kung choice mo pa rin ang magwork dapat alagaan mo pa rin ang sarili mo. fully vaccinated din ako kasi frontliner kaya binigyan ako ng clearance ng OB ko magpacovid vaccine. complete check up, tamang pagkain at vitamins lang, make your self health para kay baby.
Kung ako po nasa kalagayan nyo, mag resign na lang po muna ako kung kaya naman ng husband ko na masupport kami at may business din na hindi rin mabigat. Ako kasi need ko din i stop muna ung operation ng business namin gawa ng ako nag aasikaso at naging maselan ako, nag kasakit ako after ko tumanggap ng project. Mas importante po ang health nyong dalawa ni baby. Mahirap po mag kasakit habang buntis pa kaya nag decide kami na itigil muna. Yung sa career nyo po makakabalik naman kayo pag gusto nyo na ulit at pag mas safe na. kumbaga andyan lang po yung career pero ung baby nyo po minsan lang dumating ang blessing. 🙂 Take care mommy, wag kalimutan Health is wealth 😊
I know how it feels momsh. And mas ok talaga yung my aasahan kang sahod sa 15/30 na pinag paguran mo. If I were you resign or leave kana muna sa work mo since my small business naman kayo. I am currently working sa airport. Frontliner po ako. Very risky rin lalo na hindi ako pinayagan magpa covid vaccine ng OB ko. Pero I don't have any choice kundi ipagpatuloy yung pag work since if di ako magwork mahihirapan kami ni hubby. Mas malaki kasi sahod ko kesa kay hubby amd mahirap sa magresign sa panahon ngayon kung wala ka namang ibang pagkakakitaan. Kung my small business lang kami like you matagal na ako nag resign.
Hi mamsh. Naging dental aide din ako for more than a year, wala pa pandemic. Pero nung nalaman ko na preggy ako, nag resign agad ako. Bukod sa morning sickness, natakot din ako matagtag kse mas madalas nakatayo, need mag assist ng mag assist, 2 dentists yung inaassist ko 'non kaya i've decided na mag resign nlng kahit ayaw sana nila. 1st baby ko din kse that time kaya mas ginusto ko na safe kami. Now, turning 35 weeks preggy ako sa baby boy after 8yrs. 😊 Kung kahit papaano naman eh may income kayo much better piliin mo nlng yung safety nyo ng baby mo. 😊 Godbless sa'tin mga buntis. 🙏
resign na po momsh.. the first day i knew i was pregnant nagdecide na talaga kami ni hubby na hindi na ko magwowork.. and kahit nakapanganak na po ako i still prefer not to work. ayoko kasi ipaalaga si baby sa iba. I'm a full time mom po. sabi namin ni hubby ang pera kikitain lang ulit namin yan. pero yung safety ni baby it's on our hands. kaya sabi ko talaga saka na ang career ko ulit pag medyo malaki na si baby. besides masaya makita araw araw ang development nya.. it's priceless po.
If I were you momsh, resign kana po. Don't put you and your baby's health at risk just because you need money pandagdag income. As you've said, may small business din po kayo, it's a great help na din for your preparation para sa pagdating ni baby. Mas magandang mas maaga umiwas na kesa mag-suffer in the end. God bless you and your family po. 🤗😇🙏🏻👼🥰
If may work naman po si hubby and business much netter po resign na po muna kayo para din po yun sa into ni baby. Mas unahin nyo po yung safety nyo ni baby. Pwede naman po kayo ulit magwork pag medyo okay na. Since magiging mommy na po kayo, lage nyo po uunahin yung safety ng anak nyo ☺️ at syempre ninyo na din po.
Mas malala ang new variant ng COVID ngayon mommy. kung nag worry po kayo mag resign or mag leave na po kayo sabi nyo naman po may work ang hubby nyo at may small business naman kayo. mas mahirap po kasi kung talagang walang wala kayo. then you have to take the risk na mag work.
Hi Mami, ako din nag resign. Gusto ko din sana mag work para may income kahit papaano, wala kming business ung husband ko ndi tuloy tuloy ang pasok, pero ndi ko kaya i sacrifice si baby and sarili ko. hehehe Kaya mas maganda pahinga ka na muna mami
mag resign ka nalng mommy... Buti nga Po kayo may small business pa... ako Wala pero ma re resign ako para sa safety ng baby namin first baby pa Naman namin ito... Ang hirap pero sacrifice Po Muna Ang work...