OGTT - Most hated test nga ba ng nga buntis?
Mga mommies, how was your experience in OGTT ? Any tips or advice? Kasi sabi nila OGTT is the most hated test of pregnant moms. I'm 26w pregnant, and kahapon nagpacheck up ako, then nag gain weight ako ng 10lbs,then my ob advised me to have OGTT. Medyo kinabahan ako nung pagkasabi nun ni Doc, parang ayoko na tuloy magpa-Test. 😅 Pero my she said, healthy naman si baby. #1stimemom #advicepls #firstbaby
Sakin naman momsh na experience dapat nasa condition ka talaga bago magpa test at dapat agahan mo para mabilis lng matapos at makakain ka kaagad. Before ng fasting or mag 12 midnight kumain ka ng full meal like oats and milk at more water. Sakin ok lang naman yung lasa ng glucose juice yun nga lang at parang hinahalukay din yung tyan mo after inum kasi sobrang tamis niya at si baby ang active niya. Mas better din na may kasama kayo para my mkausap kayo or after mo uminom pumikit pikit muna kayo kasi nakakahilo din siya. Twice po kasi ako kumuha ng OGTT dahil nasuka ko yung juice kaya bumalik pa ko next day para umulit. Di ko na naisip yung result if mataas kasi yung gusto ko na lang is matapos na yung test. 😆Kaya mo yan momsh basta prepare mo lang yung self mo. ☺️
Magbasa paYes eto sakin last week. super hate ko ung mgdamag wlang inum ng water dahil water is layp ako. kya nung binigay yang juice khit napaka tamis nilaklak ko tlaga kc uhaw na uhaw ako. pro mas lalo ako nauhaw 🤣 ansakit nya sa ulo aftr inumin nahilo ako, inantok, di mapakali na ewan. tpus 2-3hrs pa mag aantay bago pwde uminom ng totoong tubig 🥴 tpus lalabas lang na result my gestational diabetes ako. Diko na tuloy makaen mga gsto ko kainin 😭 I suggest pgka inum mu mglakad lakad ka as in ikot ikot aq nglkad sa lobby tlga habang nag aantay kuhaan ult ng 2nd and 3rd batch ng blood. pra di aq masuka. kc nakaksuka tlga habang tumatagal. and bwal mu isuka kc uulit ka 😔
Magbasa paTiis lang mii😅 Huling kain ko around 11pm. 11:55 huling inom ko ng water. 7am ang pinapuntang clinic. Pinainom ako ng sobrang tamis na juice isang tasa. For me naman ang pinakaayaw ko sa ogtt is yung pagkuha ng dugo. Kasi minsan talagang ayaw makisama ng mga kaugatan ko😅 Ang daming try bago nakuhanan talaga eh kapag pumalpak sa isang ugat sa iba nman tapos yung pumalpak kukuhanan ulit sa ibang round. Pasain pa naman ako haha kaya ang dami kong pasa noon eh.
Magbasa paNagspike yung blood sugar ko sa ogtt pero sa monitor ko ng sugar sa glucometer ko nasa normal lang yung range. Kaya for me most hated ko yon, first extract okay yung sugar ko, after drinking yung glucose biglang nagspike 3x sa first extract until thurd extract ng blood. Pagkakita ni dra sa result nag cas ultrasound sya agad by God's grace okay lahat kay baby, narefer din ako sa endo para sa meal plan at sugar monitoring
Magbasa pahated maybe kc mag fafasting 😅 8hrs... hirap ako nito kc gutom much. 😅 nakoooo galit yung hubby ko dito kc 7am punta nang hospital then 10am na sb ko hndi pa tapos, galit kc wla pa akong kain. kahit tubig wla akong ininom... natapos mga 2 pm na 😅 kc 3x ka kunan nang dugo,, rest kc every 1 hr after kuha nang dugo... tapos after 1st kuha, my pinainom na juice & yun lang talaga yung na take ko na liquid that day...
Magbasa pafor me noon, 24th week ako pinagtake ni OB because of routine lang naman. Okay lang naman yung procedure sakin, ang ayaw ko lang sa test is kinakabahan ako non sa result haha. Medyo malakas kasi ako sa kanin tapos di naman ako super nagbawal ng foods for myself so natatakot ako baka mataas na pala sugar ko. Turned out fine naman hehehe. Medyo nastress lang ako nung nakakaramdam na ako ng gutom pero nairaos naman haha
Magbasa paMost hated kasi ang hirap magfasting pag buntis sa totoo lang.. Kasi ako 2years ako naka intermittent fasting diet nung di buntis nakaka fasting ako ng 23hrs pero nung nagbuntis ako di ko talaga keri😆 kasi lamo yun nakakagutom e tapos kahit tubig bawal.. Pero kelangan tiisin para yun sa health niyo both ni baby yan para kung sakali may GDM eh macontrol agad
Magbasa paMost hated kasi every 1 hr ka maghihintay para makunan ulit ng dugo..3 times ka kukuhanan ng dugo.and ung fasting,un ang mahirap para sating mga buntis..di ka pa pwede kumain or uminom ng tubig hanggat hindi ka pa tapos kuhanan ng dugo.. sa pag inom naman ng glucose ung iba nasusuka..pero ako kasi parang juice lang sken,di naman ako nasusuka..ok naman naging result🙂
Magbasa paDyan po malalaman kung may gestational diabetes kayo. fasting po kayo bago kuhanan ng dugo. after Ng first kuha may ipapainom na juice tapos kukuhanan ulit kayo Ng dugo after an hour, then another kuha Ng dugo after an hour ulit. 3x Po na tusok hehe. saka lang Po kayo pede kumain kaya medyo nakakagutom
Magbasa pamahirap na part po for me is yung bawal mag water. kaya nung pinainom na ko ng juice naubos ko agad kahit sobrang tamis hahaha. masarap din ung binigay sakin orange flavored parang royal 😂 true po ung sabi ng mga mommy dito sa thread mindset lang din talaga :) kahit uhaw or gutom na kaya naman pigilan :D
Magbasa paTotoo mamsh, sa sobrang uhaw ko wala pang isang minuto ubos ko na agad. Tsaka malamig naman kaya maayos naman iyong lasa.
1st Time Mom