Folic Acid

Mga mommies hnd po ako nkainom ng floic acid nong first trimester ko po hnd ko po kse naintindihan yong sabe ng OB dami po kse inexplain sakin Ang resita nya sa akin folic acid , multivutamins,ferrous po ang nainom ko lng po ferrous saka multivitamins po hndi po b maapektuhan baby ko po pero umiinom n po ako non ng gatas ska ska mga prutas po Ok lang po ba yon ntakot po bka my defect baby ko po#advicepls

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Payo Sa Mga Buntis Payo ni Doc Liza Ong Heto ang mga napakahalagang payo ni Dr. Pete Crisostomo: 1. Sa unang 3 buwan ng pagbubuntis, kumain ng pagkain na mayaman sa Folic Acid. Ang folic acid ay tumutulong sa pag-iwas sa sakit sa utak, spinal cord at ugat (nerves) ng mga sanggol. Kapag nakakita kayo ng batang may bukol sa bandang ulo, batok o puwitan, posibleng dahil ito sa kakulangan ng bitamina ng nanay. Ang folic acid ay matatagpuan sa mga patatas, beans, peanut butter, ma-berdeng gulay tulad ng kangkong, malunggay, pechay at talbos ng kamote. Kumain ng 3 tasang gulay bawat araw. 2. Hangga’t maaari, huwag muna uminom ng kahit anumang gamot habang buntis. May mga side effect ang mga gamot na puwedeng makasama sa sanggol. Magtanong muna sa doktor. 3. Sa huling 3 buwan (mula 6 hanggang 9 na buwan), damihan ang mga pagkaing mataas sa Calcium at Iron. Sa mga panahong ito, kailangan ng sanggol ang maraming calcium (sa paggawa ng buto ng bata) at iron (sa paggawa ng dugo). Ang calcium ay makukuha sa gatas, yogurt, ice cream, keso, malunggay, dilis at sardinas. Ang iron naman ay matatagpuan sa atay, spinach, maberdeng gulay at sardinas din. 4. Maghintay ng 3 taon bago magbuntis muli. Malaking stress ang pagbubuntis sa nanay. Lahat ng pagkain, sustansya ng bata ay kinukuha sa nanay. Kaya nga ang mga nanay na maraming anak ay marurupok na ang buto at nagiging anemic pa. Para maka-recover ang iyong katawan sa pagbubuntis, maghintay ng 3 taon bago sundan si beybi. Magplano ng pamilya. 5. Magbuntis bago mag-35 ang edad. Tunay ang kasabihan, “Kapag ika’y nagbubuntis, ang iyong isang paa ay nasa libingan na.” Totoo po ito, dahil hindi biro-biro ang pagbubuntis. May mga komplikasyon ang panganganak na puwedeng mamiligro ang buhay ng ina at sanggol. Kapag ang nanay ay lampas na sa edad 35, mas mahirap na ang pagbubuntis at tumataas na rin ang mga sakit tulad ng Down’s syndrome sa bata. Tandaan, kumain ng tama, matulog ng mahaba at umiwas sa mga bisyo. Sa mga buntis, magpatingin ng maaga sa inyong doktor. Napakahalaga ng pre-natal check-ups para sa mga buntis!

Magbasa pa

ang folic para daw yun hindi magka.birth defects c baby.. b4 ako nagbuntis nainum na ako nun,yun kac advise ni o.b, kac nakunan ako last yr.,hanggang 1st tri.ko..ngayon na 2nd tri.na ako ang iniinum ko naman ferrous w/ folic pa rin.. pero di lng naman sa medicine nakukuha ang folic, meron din po yun sa gulay at prutas..

Magbasa pa
VIP Member

Maganda na pag may hindi maintindihan sa inexplain ng doctor, tanungin mo sya ulit. Wag ka mahiya na magpapaliwanag sa kanya lalo if di mo maiintindihan. Basta po nagmmultivitamins kayo and kumakain nang tama at natutulog nang tama, magiging ok po si baby. Make sure to eat healthy po and good luck din sa panganganak!

Magbasa pa

Ang folic acid po ay for brain development at Ang ferrous ay para po sa dugo. Magkaiba po sila. Pero meron pong mabibiling magkasama sila folic acid + ferrous. Kumporme po Kung ilang weeks na. Pero si folic pinatigik na sakin ni OB nung 29th week ko na. Then tuloy tuloy Yung multivitamins at ferrous.

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang po. Nakukuha naman po sa pagkain ang folate/folic acid mommy like sa legumes, green leafy, eggs, citrus fruits, etc. Keep eating healthy foods parin mommy for baby. And continue mo lang din pagtake ng ferrous at multivitamins mo.

niresetahan ka naman pala eh baket dimo binili. tas dito ka magtatanong at natatakot ka na magka defect si baby. kaya ka nagpapacheck up para maiguide ka ng expert. balik ka sa ob mo at dun ka ulit magtanong. 🤦

4y ago

pinagalitan nga po ako tpos tinanong ko po kong pwd p aako uminom sbe nya ok n dw kse malaki nmn n dw si baby ska umiinom nmn n dw ako ferrous soulfate po

It’s okay. Hindi din ako nag folic acid during my first trimester pero after, complete na vitamins ko. Baby turned out fine. Hitting her milestones early pa :)

ferrous po combination na po sya ng folic acid. kumbaga sa ferrous may folic acid na sya. pinaka importante ung paginom ng ferrous.

4y ago

Ahh ok po ferrous po pala my ksama n folic salamat po

VIP Member

second tri. ko na ngayon, ni isa wala pa nireseta sakin sa center.

4y ago

wala pa mommy till now, sa oct. pa next check up ko, tatanungin ko din kung bakit wala pa sila nirereseta na vit. sakin

VIP Member

Nireseta naman pala momsh bakit di mo ininom?

Related Articles