O.B. na mahirap pagtanungan

Hi mga Mommies!!! Hihingiin ko lang po sana ang opinyon ninyo about sa O.B. ko. I am turning 5 months pregnant this coming June. During my last check-up, nagtanong lang naman ako kay O.B. kung ok lang ba na di pa rin nadadagdagan ang weight ko. 50 kgs parin ako until now. 50 kgs talaga ang usual na weight ko nung di pa ako buntis. Tapos di ko alam kung sensitive lang ba ako kasi parang nabara ako sa sinagot niya. So ayon na nga sumagot siya and sabi niya dapat daw alam ko na yun since second baby ko na tong pinagbubuntis ko. Eh 7 years ang pagitan ng first and second ko. Everytime na nagtatanong ako parang lagi akong napapahiya. Ano ang masasabi niyo mga Mommies? Dapat ba humanap nalang ako ng ibang OB? Gusto ko lang naman makasigurado kaya ako nagtatanong.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Case to case basis sya para sakin momsh. Depende tlga kung pano mo sya inask exactly or pano din nya sinagot meron kasi tlg minsan na for example kht dito sa group npapansin natin my mg question na sorry for the word commonsense ba na parang talaga lang hndi alam??? Anyways kung pansin mo naman na palagi sya ganyan at muka naman sya wala kwenta oag tanungan e lumipat kna. Meron tlga ob na parang hndi machika hndi mo ma feel na excited din sya kasi meron ako gnyan case nung 2nd born ko. Napaka dry na ob unlike sa iba na mdaldal makwento about sa pinag bubuntis mo etc. kaya habang maaga pa lipat kna.

Magbasa pa