Experience with your 4 Month Old Baby

Hi mga mommies! Halo halong experience ang dadanasin ng isang mommy sa bawat araw na lilipas simula ng masilayan ng mundo ang kaniyang baby. It has been 4 months since I gave birth to my pogi and cute little baby boy. The first three months were fine. HAHAHA akala ko chill chill lang pero ngayong 4 months na si baby, iba na sya hahahaha. ayaw ng sumama sa iba, gusto na niya ako palaging kasama at kayakap, gustong gusto ko din naman yon kaso ang mahirap lang ang kapag nag iinarte sya lalo na sa morning, yung umiiyak dahil gustong lumabas, hehehe. mga mommies, ganito nadin ba kakulit ang mga babies nyo? share naman po your experience sa 4month old babies nyo hehehe, para naman makapag'ready nadin ako sa mga future little tantrums niya hahahaha. minsan o madalas pa nga, nananubot na kapag hindi nakukuha gusto nya hahahaha.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap na rin yan bihisan o idiaper kc super likot na sabi ko nga noon nung 4months baby ko parang dragon binibihisan ko super piglas talaga pagkatapos parang pagod na pagod ako at pawis na pawis after. Hindi na rin basta maiwan ccr ka lang yung iyak nya parang inalipusta o kinawawa.

5y ago

ay tama ka jan mommy hehehe, para akong tumakbo ng pagkahaba haba sa pawis ko pero nagpalit lang naman ako ng dipaer hahaha, super kulit ng baby ko at marunong na magbiro, sa tuwing magpapalit ako ng diaper, kung kelan tatanggalin ko na tsaka naman sya iihi hahaha. tapos minsan pag nag cr ako at hahawakan sya ni lola nya, pati sya kasama sa banyo hahaha. mahirap pero masaya. thanks sa pagshare mo mommy.