My 4 month old baby boy ❤️

Hi mga mommy 😊 ask ko lang kung anong month unang dumapa yung baby nyo. Yung baby ko kasi mag 4 months palang sya dumadapa na eh.

My 4 month old baby boy ❤️
102 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

stop comparing your child to others. iba iba milestone nila. if you're child can do something na di pa nagagawa ng iba then celebrate in silence kesa maramdaman ng iba na baka late development anak nila. if you're child can't do what others can sa age nya don't despair, darating at darating ung time na matututo din sila. we all have strengths ang weaknesses. ganun din ang mga anak natin.

Magbasa pa
1y ago

nagtatanong lang naman siya diba? no harm naman sa question niya dun. dont take it personally na parang jinujudge niya na yung ibang mga may LO

3 months from tummy to back then now 4 months back to tummy. Grabe di na sila basta basta pwede iwanan, ibaby proof na po ang bahay like yung sa paligid ng kama dapat may rubber mat na. Prone na sila sa hulog hulog split seconds lang na malingat ka. Nagugulat na lang ako kay baby kung san san na napupunta kakagulong hehe

Magbasa pa

Yung panganay ko no'n 2 mos dumapa na agad 9 mos naturuan na ni mama maglakad.. Yung bunso ko ngayon 3 mos pero di pa dumadapa.. Worried n nga ako kasi lagi sya nasa baby bouncer eh hindi pala maganda effect non sa development ng babies

VIP Member

1month palang kita na naming plano na nya dumapa... 2months amba amba lagi. 3months totally dapa na. 4months from back to chest and chest to back. Ingat na at possible na mahulog sa bed

Post reply image
VIP Member

2 months dumapa, pero di nya yata bet yung tummy time. pero pagpatak 4 months roll over na sya. from front to back, back to front. still ayaw paden sa tummy time 🥺

3 months po.. Iba-iba nman po ang mga baby so it's ok lang nman if yung iba is maaga dumapa & yung iba hindi pa..Ang importante happy & healthy c baby.. 😊

4months din nag dapa dapa si baby by 6months gumagapang na sya. Ngayon 8months na sya nakakatayo na sya while hahawak sa lamesita

baby ko wala pang 2months dumadapa na nakatagilid siya minsan matulog siya yung nag tatagilid sa sarili niya

Post reply image

1 month plng si baby ko bumabaligtad na pero di sya makabalik sa maayos na higa. pero mga mommies iba iba progress ng babies ntn.

Same tayo. 4 months din ang baby ko na dumadapa na siya lang. D ko siya na tummy time kasi umiiyak pag ginagawa ko.