Need advice

Hello mga mommies, Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ๐Ÿ˜” Naiinis ako sa boyfriend ko. 4 years na kami magsama at alam na alam nia talaga na ayaw ko ng madumi, lalo nat hiniram gamit sa kusina mas malala kasi bacteria lalo na ngayon buntis ako (madami din kasi daga at mga pusang gala). May kasama kasi kami dito sa bahay 15 years old pamangkin nia at kaya andito sia samin kasi night shift duty ni boyfriend wala ako iba kasama. Palagi kasi kinukuha mga gamit namin ng pamangkin nia lalo na gamit sa kusina hiramin nia kasi magluluto sa kanila (magkapit bahay lang din kami) at di na binabalik kung ibalik man may rust na or madumi. Ayaw ko kasi pagsabihan pamangkin nia at baka ako pa maaway ng kapatid ni boyfriend. Kaso si boyfriend pinagsasabihan ko na sabihan pamangkin nia ayaw nia naman. Nakaka disappoint kasi todo iwas ako sa sakit kasi hirap pagka buntis magkasakit pero sila naman burara.#advicepls #pregnancy #theasianparentph #firstbaby #1stimemom

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din dito sa bahay sis. Ang ginawa ko.. bumili ako ng knife na para ke baby lang. di nila pwede gamitin yun kung saan saan kase tinatago ko ng mabuti. Todo banli di ako sa mga gagamitin ni baby like plate spoon and fork bago ko pagamit. Di kase talaga maiiwasan lalo pagmay kasamang iba sa bahay. Ikaw na lang gumawa ng paraan. Itago mo na lang din para di na nila mahiram ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

eh di itago mo nalang. para kapag manghiram ulit sabihan mo na di mo na pinapagamit dahil balahura gumamit ang mga nanghiram.

Sabihan mo na lang in a nice way.