LONG POST AHEAD

Mga mommies gusto ko lang mag vent out since wala akong mapag-sabihan. Medyo mahaba-haba po 2 years na kami ng bf ko and 2 months na din baby namin. Walang stable na work at madalas humihingi pa siya sa nanay niya ng pang diaper ng anak namin. Nung buntis palang ako, ni singkong duling hindi tumulong bf ko since we were both studying so bilang mas nakakaangat kahit papano ako sa estado ng buhay, ako lahat umako ng finances during my prenatal checkups. Hanggang sa nanganak ako, family ko lang din ang gumastos. Intindi ko naman na hindi sila ganon ka financially stable, pero naiinis ako sa LIP ko dahil parang wala man lang siyang kusa na mag hanap ng stable na trabaho. Pinagkakakitaan namin ngayon is yung axie (kung familiar po kayo doon). Ako po ang nag invest don worth 45k, pinapalaro ko sa kanya para may pera kami kahit papano. Pero sana ang gusto ko parin is maghanap siya ng stable na work at wag namin gawing primary source of income yung “play-to-earn” or yung axie. Parang gusto ko nang hiwalayan lip ko mi, nafofallout of love na din ako sakanya. Para bang kailangan ko nalang siya para katuwang sa pag-aalaga ni baby. Yung love di ko na nafifeel 😔 Gustuhin ko man na ako yung magtrabaho kahit work from home, kaso ayaw akong payagan ng family ko dahil sa kakapanganak ko palang din. Nakakainis lamg talaga na parang robot o puppet tong lip ko dahil lahat ng kilos niya, kailangan sinasabi. Wala siyang kusa na maghanap sana ng way para sustentuhan mga needs ng anak namin. Kahit man lang sana YUNG PARA KAY BABY and hindi na ako ang gastusan, pero wala ni piso. Paano ba gagawin ko 😓 gulong gulo nako. EDIT: Attitude based, wala akong masasabi sa LIP ko. Kasi kahit pag mura murahin ko siya, nasasabihan ng “bobo, tanga” minsan nasasabi ko pa sa baby ko “napakabobo ng tatay mo” “Wala ka bang utak” “Tanga tanga mo kairita ka” “Para kang tanga parang di mo ginagamit utak mo” Sa lahat ng yan mommies, never niya kong pinagsalitaan pabalik. Tahimik lang siya kapag nasasabihan ko ng ganyan. Opo aminin ko, toxic din ako. Pero nadadala lang talaga ako dahil nga di ko kayang masabi tong problema ko sa kanya 😞 ayaw ko nalang din dumating ako sa point na napuno na ako at masumbatan ko siya sa lahat ng pagkukulang niya samin

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sabihin m direct to the point mamsh, kung yun ngang bobo, tanga, walang utak, eh nasasabi mo yan pa kaya dmo ma direct eh hamak n mas masakit mamsh yang mga yan kesa un iderect m n sbhn un totoong message m sknya, in a nice way m sbhn and with respect ex: love, andami n ntn gastusin lalo ky baby, di na enough c axie sobrang baba ng slp, gsto ko rn mag work sana kaya lng 2mos plng c baby, bka love pwede hanap k n ng work n stable para s future ni baby, and para may pagkuhanan tyo ng needs nya everyday. then hanap kayo online pwede nya mapasukan,

Magbasa pa

I suggest pag usapan nyo muna maigi yan sabihin mo yung nararamdaman mo in a calm way malay mo naman dba magbago kelangan din nya ng lambing kahit may baby na kayo baka nagtatampo rin sayo yan dahil napagsasabihan mo sya ng hndi maganda kausapin mo lang momsh maiintindihan ka naman nyan

Communicate with your partner and never ever na sisiraan mo sa anak mo yung tatay niya. Hindi maganda yon, although baby pa siya pero yung mga ganyan nakakalakihan ng baby. Yes ganyan situation mo/niyo pero hindi naman maganda na iverbal abuse mo siya.