Magkaiba ang religion namin ni husband

Hello mga mommies. Gusto ko lang mag share ng situation ko sa religion. I'm Catholic and my husband is INC. Nung mag gf/bf pa lang kmi, tinanong ako ng nanay ni hubby if okay lang saakin na mag convert to INC. Sabi ko naman okay lang sakin. Nagtry ako sumamba at doctrina pero hindi ko natapos ang pagdodoctrina sakin kasi tinamad na akong magsimba because of my schedule as a WFH mom. And i feel pressured kasi very strict sa INC ( no offense po sa mga INC dito ) Hindi katulad sa catholic na very lenient. Sad to say, hindi ako happy sa INC. Devoted Catholic kasi family namin. Very active kami sa church at Magkaibang magkaiba ang pagsamba ng dalawang religion namin hubby. Parang pinipilit ko na lang kasi gusto ng nanay ng husband ko and kasi sabi ko okay lng sakin noon. Mas happy akong magsimba sa katoliko. Kahit si hubby hindi happy sa pagiging INC at ilang beses na siya tumiwalag pero nagbabalik loob lang kasi yan ang gusto ng mama niya. Kapag andun ako sa bahay ng hubby ko, hindi ako pumupunta sa simbahan kasi nahihiya ako sa pamilya niya na puro INC. nakakapagsimba lang ako kapag umuwi ako samin. Ngayon na may baby na kami, gusto ko pabinyagan si baby sa katoliko. Gusto kong magstay as a Catholic. Naghahanap lng ako ng good timing na sabihin sa mama ni hubby. Pero hindi ko pa alam kung paano. Any advice mga mamsh?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Momshie, Una po, ikaw ang pumayag before na willing ka mag pa convert (shempre yung ang inaasahan ng MIL mo sa'yo) but then sabi mo kasal na kayo ng husband mo na INC (ibig sabihin natiwalag na siya). So si baby ay hindi pwedr ihandog sa INC not unless makapag balik-loob ang asawa mo at mabautismuhan ka sa INC. Ang concern mo kasi us is devoted catholic kayo.. maraming devoted catholic na nagpapa convert kasi nga naunawaan nila ang aral sa loob ng Iglesia. I advise you na sana makinig ka ulit sa doktrina and ang pagsamba naman ay 1 hanggang 2 oras lang sa isang linggo. Maniwala ka mas mapapabuti ka, kayo ng asawa at anak mo pag napa anib ka sa INC. 😇 hindi naman kami nag aaya ng masama, para sa kabutihan at kaligtasan ng tao yung pinag aanyaya namin. after mo makinig ng 25 lessons at hindi mo pa rin naunawaan saka ka magdesisyon na dika talaga mag a INC. (yung 25lessons, 20 to 30mins lang yun per day) bilang pag galang sa MIL mo at family ng husband mo pls give it a try. actually napatunayan naman n ng asawa mo na mahal mo ka niya nung pinakasalan ka. di hubby kaya natiwalag kasi ang totoong dahilan matigas ang ulo, although alam niya aral sa INC nagpatiwalag pa rin dahil sa'yo. But mind me, mapapabuti ka pag nagdesisyon ka ng buong puso sa pag anib sa INC. lalo na yung anak mo. 😊😇❤ Pray ka momshie. attene ka ng Pagsamba namin this coming Sunday. Ang tagapamahalang pangkalahatan namin ang mangangasiwa thru video streaming mejo may kahabaan pero sana pagtyagaan mo po. 😇

Magbasa pa