Magkaiba ang religion namin ni husband

Hello mga mommies. Gusto ko lang mag share ng situation ko sa religion. I'm Catholic and my husband is INC. Nung mag gf/bf pa lang kmi, tinanong ako ng nanay ni hubby if okay lang saakin na mag convert to INC. Sabi ko naman okay lang sakin. Nagtry ako sumamba at doctrina pero hindi ko natapos ang pagdodoctrina sakin kasi tinamad na akong magsimba because of my schedule as a WFH mom. And i feel pressured kasi very strict sa INC ( no offense po sa mga INC dito ) Hindi katulad sa catholic na very lenient. Sad to say, hindi ako happy sa INC. Devoted Catholic kasi family namin. Very active kami sa church at Magkaibang magkaiba ang pagsamba ng dalawang religion namin hubby. Parang pinipilit ko na lang kasi gusto ng nanay ng husband ko and kasi sabi ko okay lng sakin noon. Mas happy akong magsimba sa katoliko. Kahit si hubby hindi happy sa pagiging INC at ilang beses na siya tumiwalag pero nagbabalik loob lang kasi yan ang gusto ng mama niya. Kapag andun ako sa bahay ng hubby ko, hindi ako pumupunta sa simbahan kasi nahihiya ako sa pamilya niya na puro INC. nakakapagsimba lang ako kapag umuwi ako samin. Ngayon na may baby na kami, gusto ko pabinyagan si baby sa katoliko. Gusto kong magstay as a Catholic. Naghahanap lng ako ng good timing na sabihin sa mama ni hubby. Pero hindi ko pa alam kung paano. Any advice mga mamsh?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Don’t let them control you, yan lang masasabi ko mamsh kasi pag sumunod ka sa kanila na against sa kalooban mo habang buhay mo syang pagsisisihan as long as si hubby supportive sa decision mo go for what you both wanted. Wag natin pilitin ang sarili na mag adjust dahil lang sa gusto nila. Even if it means sumama loob nila ako as mananampalataya naniniwala ako na as long as sumusunod ako sa kalooban ng diyos yun ang pinakamahalaga. For some reason not all inc respects other religion. But as long as you’re happy on what you’re doing don’t let them control you po ikaw po yan at hindi ka nila pwedeng diktahan para sa ikasasaya mo 😌

Magbasa pa