Sharing my thoughts, and I want to know yours too.

Hello mga mommies! Gusto ko lang i-share yung nararamdaman ko. Baka ganito rin kayo. First time mom ako, team July. Sa tuwing naiisip ko si baby, lalo kapag nakalabas na siya, nanlalamig yung dibdib ko na para akong natatakot. Saglit lang naman nanlalamig, parang 1 second nga lang. Pero kakaiba kasi yung pakiramdam, parang natatakot na kinakabahan, na nalulungkot na ewan. Basta halo halo pero lamang yung negative feelings. Pero hindi ako sad na magkakababy ako ah. Unexpected si baby pero sobrang happy ko throughout my pregnancy. Kaso nga, sa tuwing naiimagine ko si baby lalo kapag yung naiimagine ko ay nanganganak na ako, or nakapanganak na ako at hawak ko na si baby, basta anything in the future na kasama ko na si baby, ang lamig sa dibdib. Naranasan niyo rin ba yon? Or any thoughts about this? I will be happy to read your thoughts here. #firsttimemom #firstbaby

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mukhang normal naman ata yan sa first time mom at lalo na unexpected pa. Ako nga nung nanganak na Hindi ko na feel agad Na nanay na ako, ung sinasabi nila na mapapaiyak ka pag nakita mo na baby mo, ewan hindi ganun nangyare sakin. Hindi agad nag sink in sa utak ko na may baby na akong hawak. Puro tanong nasa utak ko nun. Anak ko ba talaga to? Totoo na ba to? Hahah para akong ewan nun..pero nung naalagaan ko na sya dun na nag start ung motherly love ko sa kanya... 2nd and 3rd baby dun na ko napaiyak nung nanganak...

Magbasa pa
3y ago

FTM Here, puro excitement at kaba lang..excited kasi lapit ko na mameet baby ko.