Sharing my thoughts, and I want to know yours too.

Hello mga mommies! Gusto ko lang i-share yung nararamdaman ko. Baka ganito rin kayo. First time mom ako, team July. Sa tuwing naiisip ko si baby, lalo kapag nakalabas na siya, nanlalamig yung dibdib ko na para akong natatakot. Saglit lang naman nanlalamig, parang 1 second nga lang. Pero kakaiba kasi yung pakiramdam, parang natatakot na kinakabahan, na nalulungkot na ewan. Basta halo halo pero lamang yung negative feelings. Pero hindi ako sad na magkakababy ako ah. Unexpected si baby pero sobrang happy ko throughout my pregnancy. Kaso nga, sa tuwing naiimagine ko si baby lalo kapag yung naiimagine ko ay nanganganak na ako, or nakapanganak na ako at hawak ko na si baby, basta anything in the future na kasama ko na si baby, ang lamig sa dibdib. Naranasan niyo rin ba yon? Or any thoughts about this? I will be happy to read your thoughts here. #firsttimemom #firstbaby

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Anxiety.. Enjoy mo lang kung ano meron ka ngayon. masasayang lang oras mo sa kakaisip..

2y ago

Normal naman po magkaanxiety, ako nga po nung 27 weeks ko nagising ako ng 2am tapos naiiyak ako natatakot ako kapag manganganak na ako kung kakayanin ko ba yung pain. Ginawa ko nagpray ako, binigay ko sa Diyos lahat ng alalahanin ko, nanalangin ako na gabayan niya ako at ang baby ko. Nawala ang anxiety ko. Kapag nagpray ako parang kakwentuhan ko lang bestfriend ko.

Think happy thoughts. Positive lang lage mommy.