Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭
1108 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mama sobrang naiyak ako para sayo. sana balang araw sa langit magkasama ulit kayo ni baby. you are blessed mama kasi nakapiling mo siya kahit sobrang saglit lang. God knows your pain, mommy. salamat sa pagshare ng story mo, madami kang bubay na maliligtas kasi matututo din sila sa naexperience mo. may God's comfort be enough for you amd sa family mo. kapit lang ma 💙💙💙

Magbasa pa

Kung ako 'to? Baka nabaliw na siguro ako. ☹️ You're so strong & brave mommy. Thank you for sharing your story. I know wala nang pain para kay baby Zairelexa kung nasaan siya ngayon. Alam kong yakap yakap na siya ni Lord at fully healed na siya. 😊 Congratulations on your new blessing mommy. I will pray for you & your family. Stay safe always! ❤️🤗

Magbasa pa

Momsh kinabahan aq biGla kc ngkabulutOng din sa 1st month ng preggy ko 😭😔 uminom pa ko ng antibiotic kc d ko alam na preggy ko palpak kc ata ung nabiLi ko na pT kc neg.pero lumabas sa ultra ko preggy na ko nung time na ngkabulutOng aq 😭😭 as per ob nung binasa ang result ng CAS ko normal lahat sana talaga NORMAL at healthy kc un lagi cnsbi ng oB ko 😭😭😭

Magbasa pa
4y ago

Mommy.. Gawin nyo nalang po is need nya po talaga ng newborn screening... Dun po malalaman... And iwasan po sya sa mauusok t maaalikabok na lugar para iwas pneumonia para hindi po sya mahirapan huminga or mamaga ung puso nya if puso po yung na infect sa kanya😊

ang sakit sakit nman momsh.. ang sakit lalo s part na tnititigan k lang nya hanggang s mawalan xa ng hininga... i cant take it yata momsh.. umiiyak ako.. ang sakut tlaga... pakatatag ka mommy ha? d bale nxtym alam mo n gagawin mo. mag plakas ka mommy kasi babalik at babalik c baby s inyo, babalik xang malakas na at walang sakit. prayers for u at s pagkawala n baby😭😭😭

Magbasa pa
3y ago

hi mommy.. ung bagong blessing na binigay samin ni God 9months na sya ngaun at sobrang kulit na.. kamukang kamuka din nya ate nya😊

thank you mommy for sharing your story ito ay nagbigay awareness saming mga nanay at sa mga nag bubuntis palang ,Nararamdaman ko yung sakin mo mommy kahit nag babasa lang ako thank you kasi nilakasan mo yung loob mo para ma share samin at nakayanan mo lahat ng pagsubok na binigay ni God sa inyo. Congrats mommy sa new baby ninyo. Godbless you and your family 😊🙏

Magbasa pa

Super relate ako sayo mommy. Yung sakin naman po still birth. Sobrang sakit talaga na ikaw yung maghahatid sa anak mo sa libingan niya na. Pero sabi nga nila in every sorrow comes a blessing nabiyayaan na din kami ulit ng anghel at gagawin dinnamin ang lahat para di na siya mawala samin. Laban lang tayo momsh. Kapit lang sa Diyos. Di niya tayo iiwan. 😊

Magbasa pa

parang na feel ko yung pain mo momsh, kasi akala q din dati na may mangyyaring masma sa baby ko eh, jaundince baby kasi skin, medyo kinbahan dn aq that time dhil ftm dn ako puro iyak lang ginawa ko nun, un palang sobrang skit na, watmore pa kaya ung ngayari sau momsh , 🥺 btw congrats po having a new baby, ibinalik dn po sainyo ni god c baby mo. ❤️

Magbasa pa

habang binabasa ko ito grabe yung iyak ko di ko mapigilan ma tumulo luha ko😢😢😭 sobrang sakit para sa isang ina ang mawalan ng anak 😔😢😭kung saan man si baby mo ngaun momsh masaya na siya at binabantayam kayo. at sinabi niya kay papa jesus na bigyan mo ulit sila ng katulad ko para di na sila malungkot😊

Magbasa pa

Nakakadurog ng puso. Hindi ko mapigilan ang luha ko. As a parent gagawin mo lahat maibigay lang pangangailangan ng anak kahit pa sarili nating buhay babawasan natin madugtungan lang yung kanila kung pwede lang, kung pwede lang talaga.. Condolences mommy, and congrats sa bagong biyaya ng Diyos! God bless you mommy and baby. Pati kay Baby angel na nasa heaven.

Magbasa pa

Mawala nga lang ang baby sa sinapupunan sobrang sakit na what if nakasama mo pa ng ilang buwan,😭😭 Ramdam ko yung sakit na naramdaman mo kasi nawala dn samin ang unang anghel namin habang pinag bubuntis ko..Every time na maaalala natin sila wla na tayong ibang magawa kundi umiyak nalang kasi yung sakit at pangungulila patuloy parin nating nararamdaman.

Magbasa pa