Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭
1108 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang lungkot po ng nangyri. totoo po yung sinabi na delikado mgkabulutong sa first trimester. kya usually ngpapabakuna ang babae bgo mgbuntis para sigurado. sayang lang at hindi nkita sa CAS o pgkapanganak upon assessment. usually if alam ng doctor may history ng nbulutong ay agd nila iccheck like ultrasound at 2decho plus ung routine na hearing test..

Magbasa pa

nakakaiyak ang karanasan mo, di ko man naranasan pero ang bigat sa puso lalo na siguro para sayo, salamat sa buong tapang na pagbahagi mo ng experience mo, magiging aral ito para sa lahat ng makakabasa, at syempre, lahat ng nangyayari ay may dahilan at purpose ang Panginoon...God bless sa bago nyong baby, long life and good health pati sa inyo mag-asawa..

Magbasa pa

grabeee sis tulo Ang luha ko Pati sipon. as in hagulgol ako tlaga.😭😭😭 Ang sakit sakit para sa isang Ina na katulad natin Ang ganung feeling☹️. ako nman pinanganak ko Ang baby ko April 12 then April 13 namatay mama ko😭 Kaya Naka relate tlga ako sau sis. pero same scenario. may nawala sa atin at may pumalit nman. God is good all the time😊

Magbasa pa
VIP Member

Sobrang sakit mawalan ng anak lalo na't naalagaan naten sila.😭 Kung kaya lang sana naten kunin sakit na naramdaman nila nung mga panahong nanghihina sila at hilingin na sana tayo na lang nasa kalagayan nila. sobrang sakit yung dulot ng pagkawala nila. Halos araw araw sinisisi mo sarili mo. miss ko na din panganay ko😭 Dec 15 2018 sya nawala.😭

Magbasa pa
Post reply image

Mommy,naiyak ako sa kwento mo.. pero alam ko nasa mabuting lugar na ang baby nyo ngayon. Free from pain at hirap.. walang baby ang deserve nun. Salamat at shinare mo saming mga mommies ang kwento mo para kapulutan ng aral. Masaya ako para sa inyo at may dumating na anghel sa inyo ngayon. Alam kong aalagaan nyo siya,mommy 😊 Godbless to your family mamsh!

Magbasa pa
4y ago

Yes po mommy... Blessed parin po kami dahil hindi na po sya pinahirapan pa.. 😊 Thank you po.. God bless😊😊

I had miscarriage last december 24, 2019 dun kami nag pasko sa hospital, but I trust God na may plano sha para sa babylove ko, and now I will have my coming babygirl this december 25, 2020 ang due date, how blessed I am to be given another angel. God is good mamshie we will always be thankful kasi hiram lang natin lahat kay God 😇

Magbasa pa

Mommy, she is beautiful and you are too. I didn't know the pain because I never been in that situation but I know that God gave you this challenge because he knows that you can do everything with him. God Bless to you and your family! stay safe always and Congratulations to your new baby angel. may God filled your life with happiness and peace 😊

Magbasa pa

Condolence mommy. Sobrang relate ako, dahil namatay din ang first baby ko namin ng asawa ko. At eto, after 6years, pinagkalooban kami ng panibagong blessing, at yan din ang pangako naming dalawa, na this time sobrang aayusin at pagbubutihan namin to para kay baby #2. ü Naniniwala ako na ibibigay na to sa atin ni Lord. 🙏 Ipagpepray ko kayo 🥰

Magbasa pa

sept 20, 2019 nawalan din ako ng baby Girl 1month and half na sya nung namatay. sobra sakit no mommy pero kaylangan natin i accept na pinahiram at pinarasan lang ni god saten kung paano maging isang magulang or isang ina. Everything happens for a reason. God is good. and i'm thankful from above I'm 4months pregnant now😇😇🙏🙏

Magbasa pa
VIP Member

reading this while breastfeeding my almost 1 month old daughter. grabe naiyak ako. napakasakit nito. while looking at my child, I can't imagine the pain your fam is going through. mababaliw yata ako pagnawala anak ko. praying for you and your little angel. be strong mommy! So glad that God has gifted you another baby. also praying for a healthy baby.

Magbasa pa
3y ago

yes mommy.. halos mabaliw na ako nun.. pero nung time na nalaman ko na buntis ulit ako.. nagbago lahat pakiramdam ko bumalik sya ulit sakin