Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭
1108 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko maiwasang malungkot. Sakabila man nang pinagdaanan mo ate May bngay pa rin c Lord na kapalit.that situation truly makes you stronger and to your family. God never fails. Kahit na tinatanung natin Bakit nangyari pa ang situation na ito. Higit na Di nagpabaya ang Diyos sa bawat isa sa atin. Salamat sa paalala na dapat maging aware at handa kmi sa anumang mangyayari sa amin. ❤️♥️😇God will be our strength. Lovelots💋

Magbasa pa

Nawalan din ako ng baby momsh. 5 days lang tinagal nya. Premature baby siya. Walang kapantay na sakit kapag nawalan ka ng anak pero may plano and Diyos sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Magpasalamat tayo at ayan may bago ka ng angel, angel sa langit para sa panganay mo. At angel sa lupa para sa dinadala mo ngayon. Ako din on the way na. Magdasal tayo na this time mas maging healthy na mga baby natin at mas malusog pa.

Magbasa pa

condolence mommy, ako din nag kabulutong din nung 8months tiyan ko kakapanganak ko palang mag 2 days palang si baby. sana panalangin ko na wala mangyare hinde maganda kay baby ko at hinde ko sobra kakayanin. ok nmn new born screening niya. pero pag pray ko parin na wala maging masama epekto sa anak ko. sobra nakakapag alalala 😔 pag pray din kita mommy na sana makayanan mo lahat ng sakit na nararamdaman ng puso mo. God bless po

Magbasa pa

virtual hug mommy. ako din nawalan, 5months tyan ko nung bigla ako naglabor,pinilit kong sa ospital siya ilabas. pinabayaan pa nga ako dun sa ospital, ako pa umiri at humawak sa kanya. nailabas ko pa siya ng buhay pero di din kinaya :( di ko kasi alam na maselan pala ko magbuntis, kaya eto ngayon iningatan na talaga namin ung kapatid nya. may girl at boy na sana ako. mahal ka namin ate zyrah :( mahal na mahal ka ni mama

Magbasa pa
Super Mum

Grabe sis, napaiyak ako sa story mo.. superr sakit po tlga ng ngyari.. Napakastrong mo sis! Im soo proud of you.. pero sis, everything's happen for a reason.. di tlga para sa inyo c baby.. okey na rin un sis kesa lumaki xa na my sakit sa puso, mas mahihirapan po xa pati kayo as parents, okey na un nkapagpahinga nxa ng maaga. At least ngayon sis my another angel na nmn na dumating sa inyo..im so happy for you. Godbless sa inyo sis..

Magbasa pa
4y ago

Opo mommy.. Kaya kapag naaalala po namin sya.. Iniisip nalang namin na.. Mas mapapabuti sya kapag nasa kamay na sya ni God... Kaysa mahirapan sya samin... Thank you po.. God bless😊

may dahilan ang lahat. gaya nalang na inallow ni Lord mabasa ko ang post na ito. dahil nakalimutan ko na sobrang swerte at blessed kong nabuhay ang binigay na baby saamin. habang lumalaki si LO, halo halo ang feeling ng pagod samahan pa ng depression at stress parang gusto ko ng sumuko pero salamat sa post na ito. God is always good at all times. thank you mamsh and God bless you with wisdom and guidance sa journey nyo🙏

Magbasa pa

napakacute naman ng baby na yan. 🥰nakakalungkot, walang may gusto ng nangyari pero anjan na yan. 😔 definitely full of lessons. for sure, tama ka na ok na ok na si baby kasama si God. he'll be one of your guardian angels mami. pakatatag po kayo, and congrats on your new mommy journey with your new blessing. baby will be proud of you for being strong and courageous enough to face life's challenges. ♥️♥️♥️

Magbasa pa
TapFluencer

ngyon lng aq npaiyak s lhat ng nbasa q dto... mgttwo mos plng baby q... 9 yrs nmin sya inintay kya ingat km wl km hiling kundi mging malusog sya at gabayan lagi sya ni lord... dhil d q tlg kkyanin ikamamatay q... kya ng cnbi ng second opinio n cs aq agad n q pumayag pr s safety nmin ni baby. kaya push s ospital dhil alam q maalagaan km kumpleto ang pasilidad. Newborn screening.. unang vaccine... ingat tyong lhat..

Magbasa pa

Ang sakit namn neto mamsh😭, pano pa pag sakin nangyare, parang ikamamatay ko tlaga😭 kaya di nawawala sa dasal ko na maging healthy at mapalaki kong malusog anak ko na sana bigyan ako ni lord ng gabay ng mahabang pasensya at lakas para mabantayan at maalagaan ko mabuti anak ko , kahit sobrng nkakapagod, pero makita ko lng ngiti nya, na healthy sya at walang iniindang sakit, nawawala lahat ng pagod na yon .

Magbasa pa
4y ago

True mommy... Nakakawala talaga ng pagod at problema kapag nakita mong nakangiti ung anak mo... 😊😊 Godbless sa family mo😊

Minsan if puyat and pagod ako sa pagbabantay ke baby, iniisip ko na lng ung mga nanay na nawalan ng baby. Worst fear ko kc and i think lahat ng nanay may fear na what if biglang mawala si baby, what if bigla cyang magkasakit at wala akong magawa? Iniisip ko pa lng yan, naiiyak na ako. I'm so sorry for your lost mommy. I know you're baby is with God so I'm praying for you and your husband.

Magbasa pa