Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭
1108 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

grabe iyak ko habang binabasa ko to nakita pa ko ng hubby ko bat daw ako umiiyak :( d ko nman masabe kaya sbe ko bsahin nya nlng :( momshie condolence . pero alam naten hndi na mahihirapan si baby :(

VIP Member

grabeh half palang nabasa ko naiiyak na ako pinipigilan ko lang, grabe sobrang ramdam ko ang sakit, may purpose si God mommy, and yaan na nga may ka Palit naman agad be happy na para healthy new baby mo ☺

4y ago

Opo mommy.. Kaya tiwala lang po talaga..😊😊 Godbless din po sa family mo😊

You gained an angel mommy.. God has a beautiful plan for you.. and there it is a new blessing indeed.. ❤️ God bless you mommy and praying for a safe journey of your pregnancy and delivery.. 🙏

Naiiyak ako habang binbasa ko to.. Preggy ako ngaun bigla akong natakot kc ngkatigdas ako nung 6 weeks p lang tyan ko.. Sa Aug 19 pa ung CAS ko para malaman kong normal c baby.. 😭😭🙏🙏🙏🙏

Naiyak po ako mommy habang binabasa ko😭😭😭 kaya bigla ko rin niyakap baby ko at pinagppray na ingatan sya palagi Ni Lord. Don’t worry na po mommy kasi kasama na Ni Lord sa Heaven ang baby nyo.

Aq po firstimer mom po. Ask ko lng poh b4 ko po malaman buntis po aq nilagnat po aq July last month tpos take po aq gamot bioflu ? Din na laman ko 3months buntis ksi May of month po aq last period ihh

ayaw ko ng mga ganito kwento lalo buntis ako 😔 sobra nakakaiyak pero realidad n ngyyari ito kya sana un mga madaling mabuntis wag nyo hayaan n mwala baby nyo dami gzto at nangangarap na magkaanak.

VIP Member

condolence po. Sana i-bless po ulit kayo ni Lord. Tsaka ang strong mo po dahil kaya mo nang tanggapin at ma-open up. Napakahirap para sa isang magulang ang mawalan.. I salute ypu mommy

Ang sakit naman sa puso basahin. 💔 Lalo sa mommies like me na naranasan din mawalan ng baby. Magkaiba man tayo ng naging situation, but I really felt the pain you went through. Stay strong mommy!

hbang bnabasa ko to nkatitig din aq sa baby q na dumedede din sa akin..ramdam q ang sakit n nraramdaman mu sis. npkahirap pra s ating mga ina ang mmtayan ng anak lalo pa at baby pa lng..laban lg sis