Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

1108 Replies

Same tau momshie nakabulutong din ako nung nagbubuntis ako sa baby ko 3mos ako nun then dko nmn ininuman ng kahit anong gamot kc natatakot ako baka kung ano mangyari sa baby ko pero ganun parin ang nangyari sa di inaasahang pangyayari nawala sya samin almost 10 months na sya nasapiling ni lord ngayon nakasama namin sya ng 1 month and 18 days sobrang sakit ung mga pangyayaring ganyan halos mabaliw ako nun dahil dko matanggap na ganun mangyayari sakanya sa mga kamay ko rin sya nawala ung feeling na nakikita mo ung huling hininga nya at malamig na katawan nya habang papunta kami sa ospital kaso sa tricycle palang wlaa na sya bumitaw na sya di ako nun tumitigil kakadasal sa panginoon pero kinuha parin nya samin si baby then nakarating na kami ng ospital kaso huli na dead on arrival na sya hindi rin kasi namin nakuha agad ung newborn screening nya e then kontento kami nun na walang mangyari na ganun kasi sobrang lakas nya e pero nung kaka isang buwan palang nya tinamaan sya ng sipon dahil maulan din nun di namin sya napacheck up agad dahil wlang tigil na pagulan halos isang linggo kaya di kami makalabas nun then Nov 25 ng madaling araw nagising si baby at nagising na rin ako pinadede ko sya ayaw nya dumede nakatingin lang sya nun sakin ng nakangiti first time kong nakita syang ngumiti ng ganun at tumawa ng may boses un palang ang unang boses na narinig ko saknya ung pagtawa nya ng ganun tumawa sya nung pagkasabi ko sakanya baby mahal na mahal ka namin mahal na mahl ka ni momi at dadi as in ngiti at tawa taalga sya nun tumulo ang mga luha ko nun sa sobrang saya ko na narinig ang boses nya at nakita ang matamis nyang ngiti then kinaumagahan ipapacheck up na namin sya at wala nang ulan nun nung pagkagising ko nakatulala sya as in tulala lang sya pinakinggan namin ung heartbeat nya ok nmn then nagmadali nako nun pinahawak ko muna sya sa papa ko then umiyak sya nung ibinigay ko na sa papa ko then nagulat ang papa ko nung biglang iyak nya na tumigil na may kasamang bubtong hininga takot na papa ko at agad agad kami umalis ng bahay para isugod sya sa ospital then nasa daan kami humihina ang heartbeat nya humagolgol nako nun pinapakinggan ko ung puso nya hanggang sa nasa tapat na kami ng simbahan doon na pinikit nya ang mga mata nya at nawala na ung heartbeat nya at nakakaramdam ko na malamig na sya dko kinaya ang mga nangyari iyak ako ng iyak di na ako makapagsalita hanggang sa nung dumatibg na kami sa ospital at nakatapak nako sa lupa dun ko naibuka ang bibig ko at nasabi ko na wala na si baby sa hubby ko at agad na pumasok kami sa ospital at wala na nga si baby sobrang sobra ang sakit at tudo na pagsisisi sa sarili ko 😭😭😭 na halos mabaliw nako nun 😭😭😭 pero onte onte na namin tinanggap na para talaga sya kay lord at kung nasaan man sya ngayon alam nya na mahal na mahal namin sya masaya kami na naging anak namin sya at alam ko masaya na sya kasama si god at ginagabayan nya kami lalo na now may little brother na sya sa tummy ko 😍😍😇 pinalitan din kaagad ni lord dahil after 2-3 mos wala si baby nagbuntis ulit ako then boy din po brother nya mag 9 mos na po si baby sa tummy ko now then strong po si baby at healthy kaya I’m happy po na healthy sya at next month makakasama na namin sya edd ko is oct 14 kaya lahat ng pagkukulang namin sa kuya nya sakanya namin gagawin at tutumabasan pa namin ng sobrang pagmamahal at iingatan namin sya 🥰😍😇 Lord thanks for the blessings pinagkatiwalaan mo ulit kami Salamat po sa lahat God bless po 😇

Salamat momshie stay strong lang sating mga magulang para sa kapatid nla at alam nmn natin na nanjan lang sla para gabay ang kapatid nla at tau sla na ung guardian angel natin basta always lang natin sla ipagpray and doble ingat nalang din tau God blessed satin momshie 😇🥰

Ngayon ako nagpapasalamat sa pagiging metikuloso ng Ob ko. Nung pinagbubuntis ko yung 2nd baby ko nataon na nagkatigdas yung panganay ko. 3 months pregnant ako non at ako ang nag-aalaga. Masama daw pala sa buntis yon kaya nastress yung Ob ko buti daw sinabi ko sa kanya. Lab test agad pangtigdas. Buti na lang sakop ng healthcard namin. Kasi medyo mahal aabutin din ng 16k. Every month pa ang utz request ng Ob ko. Tapos sabi nya kapag nasa 24 weeks na si baby magpaCAS utz daw ako. Congenital Anomaly Scan utz para daw makita kung nadedevelop ng maayos si baby. Dun tinignan lahat yung puso kung buo na, yung mga daliri kung kumpleto, baga, mga buto pati sa ulo maski kung bingot o hindi. Sya din mismo gumawa ng utz ko. Reklamo pa ko ng reklamo kasi sabi ko every month na lang magastos pero ngayon ko sya mas naappreciate. Nagsspecialized din kasi sya sa High Risk pregnancy. Sis bilib ako sayo. Hindi ko alam paano nyo to kinakaya pero kung kami ngang mga nakabasa hindi malaman ano mararamdaman kung sa amin man nangyari yan. Nasa magandang lugar na sya patuloy na gagabay sa inyo. God bless you sis and sa family mo. 💕

Opo mommy.. Hindi na baleng sabihin nila na napaka selan o arte mo pag dating sa pag papacheck up habang buntis ka... Importante ligtas si baby.. Thank you and Godbless po😊😊

VIP Member

lahat ng nangya2ri sa buhay ntin may dahilan C God,at wala syang ibi2gay satin n ndi ntin ka2yanin,..isa ako sa magpa2tunay nyn sis,nawalan n din ako ng baby girl pangatlo ko syang anak,since then natakot nko mgbuntis ulit lagi kong nai2sip kc n baka maulit ulit ung nangyAri. Until lumaki n ang dalawa kong anak at parang namiss kona ulit mgkababy so after 10 years nabuntis ulit ako,3 months n sya now and baby girl ulit. Ung pain at longing ndi n yn mawa2la,mali n sabihin n may kapalit dahil para sakin wala syang kapalit,nagi2sa lng sya,mka2pgmove on k pero ndi n xa mawa2la sa sistema mo,praying nlng ako n pag maala2 ko sya eh magaan n sa dibdib pero prng imposible khit 10 years n lumipas ang sakit prin tlg,kaya ramdam kita sis lalo n nung sinabi mo n wala ka mn lng nagawa nung mawala xa😭😭😭,i swear nobody can understand that pain unless you also lost a child na i wish wala ng iba png na2y n mkaranas.🙏🙏🙏 Pray ka lng lagi sis,kausapin mo C God,pa2sukin nyo Sya sa buhay nyong mgasawa,gawin nyo Syang sentro sa buhay nyo at maha2nap mo ang kapayapaan at kapanatagan ng loob.Serve The Lord at maki2ta mo marami Syang ba2guhin sa buhay nyong mgasawa and always remember sis Jesus love you...😇😇😇

Awww nakakaiyak at ramdam ko po ung sakit ng puso habang binabasa ko.😢 kasi ganito din ung first child ko. Habang pinagbubuntis ko sya 6mons nung madetect ng ob ko na bigla tumigil heart beat ng anak ko tapos nag iba expression nya kya kinabahan na ako. Dun n sinabi ng ob ko na bigla nga dw tumigil heart beat s di malaman dahilan. Sinabi ko sa asawa ko every night pinag ppray namin n sna maging normal n ang size ng heart ng baby ko. After a month nanganak n ako hbng nsa ospital kmi pinag mamasdan ko sya dun ko nkita n may time n nangingitim sya kaya pinatawag ko ung nurse tpos chinek up nila baby ko. At pinapunta kmi sa cardiologist sinabi nya malaki dw heart ng baby ko. Diko na alm gagawin wlang oras n di ako nanalangin n mag normal size ng heart ng baby ko. Bumalik kmi ulit ng cardio after 2 weeks chineck ulit. Thank God kasi dininig ang panalangin namin normal n dw ung heart ng baby ko at ngayon 10 yrs old na sya. - napaka buti ni Lord kasi may blessing ulit si Lord sa inyo. Truly God is good. God bless po sa family nyo.

2019 Ganyan din ako dati nung nag buntis ako sa 3rd bby ko, 5 months yung Tyan ko tapos yung panganay at youngest ko nag ka bulotong din, at ako mismo nag aalaga, di ko rin alam na bawal pala sa buntis na may naka bulotong sa bahay... Nag punta ako sa center 1week after, Sabi sa center ang Hina ng heartbeat ng anak ko, kinabahan na ako.. Tapos nag punta ako sa clinic nag pa ultrasound Sabi ng isang Dr. Wala na daw heartbeat, so bumalik ako sa isa g Dr. Ko pra ma check up ulit, ayon na nga Sabi ng Dr. Ko wala na ng heartbeat ang anak ko, sobra sakit mawala ng baby 😭, di ako makapanila, umiiyak ako sa harap ng Dr. Sabi ko check mo ulit doc baka meron, 😢😭, 3 days after pa, before ko xa pinanganak ng normal kahit wala na xa buhay sa loob ng tiyan ko baka kasi bumalik heartbeat niya... Sobra sakit nakita ko anak ko na wala na... 😭😭😭.. Pero ngayon may dumatig na na blessing sakin, 5 months preggy ako at ingat na ingat na ako.. Ang likot na ng bby ko sa tiya....sobra Saya na ma bigyan ulit ng blessing.. ❤️❤️❤️❤️

bakit po nawalan ng Hb? hndi ka nmn po pala nagkabulutong.

habang nah babasa ako ng kwinto mo halos Hindi makahinga Sa subrang sakit ng nararamdaman ko..naranasan ko mawalan din ng anak kinuha sya ni lord saakin 1half years na sya..tolad mo narasan ko Sa mismong kamay ko habang dinadala ko sya Sa ospital na nawalan sya ng hininga..napakahirap mawalan ng anak subra.ang hindi kulang nagawa yung nakaya mo na nong dinala ang baby mo Sa morge na nakaya mo mismo ikw pa ang nag bihis sa knya.pero pinag sisihan ko un na hindi ko manlang nakasama ang anak sa huling pag kakataon kahit manlang nayakm ko sya bago sya nilagay sa kabaong feeling konon kasi ndi ko kaya ang pakiramdam konon mamatay na ako sa subrang sakit..ang timay mo nakaya mo sa huling pag kakataon nakayakap mo ang anak mo at nahalikan.sana ginawa korin un kht papano nakayakap ko sya at nahalikan manlang..😭😭😭😭😭

hi mommy last year nawalan din ako ng baby girl due to sepsis halos 2week ko lang sya nakasama, alam ko yung feeling na kasama mo pa sya nung gabi tpos uuwi ka na kaw na lang wla na sya. sobra sakit nuh halos arw2x naiyak ako. then may isa tao nag sabi sakin " kung hindi sya para syo para kay god sya" in that moment naiisip ko ang swerte ko kase napili ako ni god para mag bigay sknya ng maganda angel kahit na alam ntn masakit sobrang skit ng pamaaraan nya. kapit ka lang sa kanya mommy kausapin mo din si baby na tulongan ka nya kayanin mo lahat. just to make things lighter arw2x nag papray kmi na sana one day bumlik sya uli samin, today im 7months pregnant uli mommy baby girl uli. may reason si god and right time babalik sya syo and hindi ka na iiwan😊 stay strong mommy😊😊

habang nag babasa ako nag ganitong post palagi akong napatitig sa mga baby ko kasi alam kong masakit , mahirap subrang nakaka durog nag puso . kasi alam mong lahat o buong buhay mo kaya mong ibigay sa kanila . kahit mahirap bastat andyan cla okay lang , kahit pagod na tayo happy padin tayo bastat nkikita lang natin sila , yung iyak, pagod , sakrepisyo nag buhay natin para sa kanila hindi matutumbasan nang kahit sino . i always pray talaga sa ama na bigyan niya palagi nag magandang buhay araw.araw yung mga baby ko at malusog na pangangatawan at hindi cla magkasakit . Sorry mommy for your lost alam naman natin everything happened for a reason , maging strong kalang mommy god will give you more and more healty baby panata lang sa ama palage mommy .

Ang sakit ,,ramdam n ramdam ko sis😭😭😭😭😭alam ko kc kong gaanu k hirap mawalan ng anak,hindi ko kya kpag ganyan😭😭😭habang binabasa ko story mo panay namn iyak ko,😭😭😭naalala ko ung pangtlo at pang apat ko magkasunod cla nawala pero ung pangatlo 5hrs lang sya nbuhay pero sau pinaabot p kc ng buwan😭😭😭ganyan p itsura😭😭😭😭😭😭tapos ung pang apat ko sana,,blighted ovum sya,,,nasasaktan n namn ako kc umaasa kming un n tlga ulit un,,,😭😭pero hego sa awa ng Dios may bleesings ulit,,17weeks preggy n ako ulit😭😭😭naiiyak ako s tuwa dahil s awa ng Dios okey namn lahat nkita sa UTz ko ng baby ko,😊😊😊kya wagka mawalan ng pag asa sis,condolence sa inyu😢.

Likewise sa inyu sis😊

while im reading this .. naalala ko yung bby tasha ko na first bby girl namin na gustong gusto namin 😊 . kaso she passed away way back aug.2018 dahil din sa heart nya na sinabayam ng pagtatae .. sobrang hirap sa ina na makita mo ang anak mo na nakaratay sa hospital at nahihirapan . kaka 8 months lang sya ng mga panahon na iyon . tinatagan ko sarili ko na di ipakita na umiiyak ako noong mga panahon nayon . kada lalapit ako sa kanya para akong mamamatay sa sakit sa puso .. at tila nasusuffocate talaga ako 😢 . hays . i really miss her everyday . kaso makalipas lang ng isang buwan , nagloko na pala asawa ko non .. hahaha . nkakatawa kase nagmukha akong tanga . doble kill sakin ang 2018 until now .

Condolence din po...Ang sakit naman mommy.. Pero proud ako sayo kasi kinaya mo parin kahit na ang laki ng pagsubok na ibinigay sayo ni God... 😊 Don't worry mommy.. Tiwala lang kay God.. May mas ibibigay sya sayo na mas better at talagang para sayo na...😊😊 keep safe and Godbless😘

Trending na Tanong