Sabi nya sakin "kasalanan mo kung bakit ka nabuntis. Dapat hindi ka nalang nabuntis edi sana di ako nakatali sayo" at marami pang iba like "mamatay ka na". Sinasabi nya yan habang buntis ako. Though nagbabago naman na sya, minsan nagigising akong umiiyak (ginigising nya ako) kasi nananaginip ako at napapanaginipan ko lahat. Siguro kasi binabalewala ko lang yung nararamdaman ko para hindi kami mag away or maiwasan na yung away pero hindi pa siguro ako totally healed sa lahat ng nangyari. Malapit na lumabas ang baby namin at ang tanging hiling ko lang ngayon ay maging masaya ako ulit bumalik yung confidence ko na nawala dahil sa lahat ng ginawa ng boyfriend ko at makapag umpisa ng bagong buhay na masaya kasama si baby. Totoo pala na mahirap kalimutan lahat ng ginawa sayo ng tao lalo pag buntis ka. Tinatanong nya ako kung anong nangyari sa panaginip ko pero hindi ko masabi. Kinikimkim ko lang. Deep inside, gusto kong sumigaw nang malakas na malakas hindi para awayin pa sya kundi para mailabas ko yung galit at mapatawad ko yung sarili ko na napabayaan ko.
Magbasa pa
Excited