Adult Diaper

Hi mga mommies! Ftm po. Naghahanda na po kasi ako ng hospital bag para ready na kapag emergency or need na magpa-admit. May nabasa ako na need daw ng Adult diaper dahil malakas ang dugo mo after manganak, kaso nakabili na ako netong Charmee menstrual pants para din siyang adult diaper kapag sinuot. Pwede na po kaya to para sa after manganak? Bibili pa din naman ako ng adult diaper for labor naman kasi alam ko naka diaper talaga habang naglalabor. And yung sanitex at underpad required din po ba yun sa mga hospitals? TIA

Adult Diaper
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po bago mag active labor naka maternity pad lang ako paospital, then during active labor pinag adult diaper na ako, after manganak adult diaper din kasi mlakas dugo ko nun hehe then nung umuwi na kami ng bahay adult diaper pa din gamit ko for a week kasi po pag adult diaper di sya nalapat sa pempem eh my tahi po ako hanggang sa may pwet kaya mas ok sakin adult diaper kahit nasa bahay na hehe then after a week nagpad na lang ako hanggang sa wala nang discharge pantyliner na lang, nagkaperiod na din agad after a month kahit breastfeed eee hehe

Magbasa pa