9 Replies

Sa pagfifile po ng maternity, nakuha ko lang din po yung guide sa youtube, bale ang edd ko po kasi ay may 2023. Nag log in po ako sa account, kelangan po may hulog atleast 3 months from January to December 2022, so ang binayaran ko lang po ay from oct to dec. Once po na may hulog na, punta ka po sa eservices tab, click mo po yung apply maternity notification, tapos kapag okay na po yun may mag eemail po sa inyo kung successful na po yung application mo. then after po nun, sa eservices po ulit, click nyo po yung disbursement account, apply lang po ulit kayo. Kung may bank account po kayo pwede, sa akin po ang inapply ko ay gcash para mas mabilis. Dun po kasi ippadala ni sss yung benefit na matatanggap mo. Mag eemail po ulit yun kung successful ang application mo.

Same po mie, may 2023 edd ko, pumunta po ako sa SSS ang sabi nya mag voluntary member daw po ako at kelangan ko daw po bayaran yung month of october to december before mag end of december para maqualify sa sss maternity benefit. As of now okay naman po. Nag open po ako ng account sa sss at nagprocess, nanood lang po ako sa youtube. Nahulugan ko na din po yung SSS ko from october to december nung monday, december 12 Accepted naman po sya at nakapag maternity notification naman po ako at successful naman po sya. I hope makatulong po.

Pag wala pa po kayo SSS number, kelangan nyo po pumunta sa SSS office, ang dinala ko lang po ata nun eh birth certificate, 2 valid ID, tapos nung nagpa change status na po ako ay marriage certificate po ang hinanap sakin. Pag meron na po kayong number, mag sign up po kayo sa sss.gov.ph para makagawa ng account, tapos po mag log in po kayo. Tapos may mga guide na po yun doon

Sa philhealth po yes makakakuha ka pa basta mabayaran mo hanggang kabuwanan mo. Pero sa sss po kasi may qualifying period. Kung sa May po ang due date po ang qualifying period mo ay Jan 2022 to dec 2022 meaning dapat sa mga buwan na yan may hulog ka po atleast 3 months. Tanong ka na lang po sa sss kung kaya mo pa maihabol yung october to december na hulog

di ko po sure kung magkano po ba talaga dapat ang ihuhulog, pero yung sakin po ay 1040 po per month, bale 3120 po kabuuan nung from october to december. kelangan po buo, kasi pag october lang yung babayaran, ayaw sya tanggapin. kelangan yung 3 months po talaga

try mo lapit sa baranggay nyo ng emergency philhealth, ako kasi ganun nalang ginawa ko, tho working naman ako pero hindi ko napagtuunan yun. ung kay hubby naman si baby makikinabang hehe

Yung philhealth naman po. Nagdeactivate muna ako ng account dahil pwede daw po gamitin yung kay mister, basta updated po sya sa hulog at nakalagay po ako na beneficiary

d ka po pde mag bayad sa sss as voluntary kung never kpa nag work before. parang sa akin kaya wala din hulog.

hi sis tanong ko lang po san po kayo nakapag bayad sa sss. sa mismo po bang sss branch . salamat po.

https://youtu.be/Clp3MctOAXg ito po may link, baka po makatulong

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles