OB-GYN Consultation

Hello mga Mommies. Firstime preggy here. Ask ko lang opinyon niyo, yung OB ko (with own clinic) kasi ngayon is hindi na nagpapaanak bale ang gagawin is once malapit na ko manganak, irerefer nalang niya ako sa kakilala niya na OB sa isang hospital. Okay ba yung ganun? Hehe

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

on my opinion po mas ok kung ob mo mismo magpapaanak sau, iba iba din kc case natin sa pagbubuntis, like sakin po may gestational diabetes ako since 1 month palang, then nung 37 weeks na bigla nmn tumataas presyon ko, nung naglalabor na po ako agad agad nasa tabi ko ob ko mula pagdating ko hospital,naging hands on sya sakin at prepare for any scenario kc target nga nya ay normal delivery..sa awa po ng Dyos nairaos ko ung 3kilo baby girl ng normal at walang tahi..akala ko diko na kakayanin ung labor kc dumating na ako sa limit ng pain tolerance ko,pero di ako sinukuan ni ob ko kahit sinabi ko na diko na talaga kaya wala na ako powers umire kc 9hours na ako straight naglelabor..share ko lang c ob ko po ay doctor ko na noon pa,may pcos and uterus retroverted po ako..sya nag alaga sakin kaya kampante ako dahil alam ko kabisado nya case ko..

Magbasa pa

Yes, okay lang yan. Mas okay din na si OB mo mismo ang magrerefer sa'yo kesa ikaw mismo maghahanap ng bagong OB. Hindi ka naman niya irerefer sa doctor na hindi niya trusted, and wala ka din naman ng magagawa kung hindi na siya nagpapaanak. Nangyayari talaga yan, like kapag may personal emergency yung OB mo or naka leave/nakabakasyon siya, irerefer or ibibilin ka niya sa ibang OB. I suggest ask your OB for the details nung isang OB and magpacheck ka na dun para ma-meet mo na din siya and ma-inform mo siya personally sa details ng pregnancy mo, or kung hindi ka comfortable sa kaniya at least may time ka pa para maghanap ng ibang OB.

Magbasa pa

Naku mamsh marami naman OB ah di lang siya. Mas ok kasi kung sino yung OB mo siya na din magpapaanak sayo. Tsaka mas ok din kung madali mo lang maapproach OB mo sa mga bagay bagay na gusto mo itanong at malaman about sa pagbubuntis mo. Pag siya na mag papa anak sayo mas palagay ka at komportable ka pag manganganak ka na.

Magbasa pa

okay lang naman as long as healthy yung pregnancy mo sakin kasi alaga ako ng OB monthly check-up pero nag public hospital kami so iba ang magpa anak sakin wich is okay lang naman since may ultrasound naman silang hinihinge bago ka maglabor so meron silang visual don kung ano nangyari sa tyan mo

ako Po sa 3 qng anak poro Hindi OB q Ang nagpa.anak sa akin..ok lng namn Po Basta wlang problema sa inyong pagbubuntis..at qng I rerefer lng din Po kayo ok nman Po Kasi bibigyan yan ni OB mo Ng mga detalye Ng pag.bubuntis mo Po Ang magpapa.anak sayo.

Yes po okay lang, basta dalhin niyo po yung lahat ng records and lab result niyo. Pag sa public po ganyan din mi iba iba yung ob na magcheck at iba din daw po yung mag papaanak

4w ago

Thank youuuu. Hirap kasi maghanap ng OB huhu

naku wag, lumipat kn lng ng ob. kasi mas maganda n kabisado ng ob n mgpapaanak sayo ang pagbubuntis mo

Baka meron mommies dito around taguig hehehe baka may recommended OB kayo.

for me parang ayoko Ng ganun po.. mas gusto ko ung ob ko magpaanak Sakin 🙂

4w ago

Mas prefer ko iyong Ob iyong magpapaanak sa akin kasi andoon na iyong trust eh. Sa Lying in po ako nagpapacheck up