23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako 24 years old na. It took me 2 months bago ko sabihin sa family ko pero ayun nga. Di sila nagalit sakin. Tinanggap nila. Maswerte ka na may partner. Hahaha. Ako kasi malabo pa sa malabong mata sitwasyon ko kaya you can do it mamsh!

Pareho po tayo 21 years old naman po ako di din nila alam na may bf ako kasi sobrang strict at mataas expectation nila sakin. Pero sinabi ko po agad nung nlaman kong buntis ako. Hindi po madali pero unti unti po matatanggap din nila.

i know how you feel. Though alam nilang may boyfriend ako, 5 mos na tiyan ko nung sinabi ko na buntis ako. Pero they accepted the baby naman, give them time. promise pag nakita nila baby mo, magiiba lahat. ❤

hehe ako nga po wala talaga ko lakas ng loob sabihin sa kanila tapos napansin nalang nila malaki na tyan ko tapos tinanong nila ko, dun nako umamin tapos after 1month duedate ko na. ayun tuwang tuwa naman sila kay baby

20yrs old ako nung mabuntis di alam ng parents ko na may bf ako tapos sinabi ko pang buntis ako nagalit sila pero in the end tinanggap nalang nila 4th yr college nadin ako di ako makapag aral kaso buntis ako ngayon

malalaman at malalaman nila yan. better if sayo manggaling kesa malaman nila sa tsismosang kapitbahay ninyo. hanap ka magandang timing at dahan dahanin mo..prepare yourself na din sa sasabihin ng parents mo.

VIP Member

same lang tayo sis. 4th year college ako at tinago ko na may bf ako kasi napaka strict nila. malalaman at malalaman din nila yan sabihin mo na. magagalit sila sa una pero sila padin dadamay sayo hanggang huli.

ganyan din ako nun una sa parents ko natakot akong sabihin ang ginawa ko ay inisa isa at dinahan dahan sabihin sa kanila .. wg mo lng silng biglahin momsh matatanggap din nila yan tiwala lang

Ganyan din yung age ko ngayon at 5 months na akong buntis. Mahirap talaga sabihin sa simula pero pag nasabi mo na makakahinga ka na ng maluwag pray ka lang po muna bago mo sabihin sa parents mo 😊

much better kung sabihin mo na po. wala namang sikretong di nabubunyag. mKikita din nMan nila na lalaki ang tyan mo.. pra din po mabigyan ka nila ng support especially these times.