Pamahiin sa buntis
Hello mga mommies! First mom here 16weeks and 5 days preggy. Mahilig po ako mag crochet sa sobrang excited ko nagstart napo ako gumawa ng stuffs para kay baby like mga damit, beanies, mittens, onesie kahit diko pa alam gender kaya lang dami nagsasabi bawal daw gumawa dahil may pamahiin daw na magbubuhol cord ni baby. Naniniwala din po ba kayo sa ganon?
Pag wala pong medical basis, hindi po agad dapat maniwala. Lalo po yung ganyan walang connection 😅 Tuloy niyo lang po yan ang cute eh haha. Pero may friend na nag warn po sa akin na wag crochet na mittens daw kasi baka may hole or yarn daw na masulutan ng fingers ni baby and mag cause na maipit po and maprevent blood flow.
Magbasa panasabihan din ako nian, sa pag bili naman ng gamit since hindi ako nag ccrochet 😅 pamahiin lang naman yan. pero bumibili pa rin ako paunti unti esp ksabay ng mga sale kasi lakins save sa orig price. kahit paisa isa sigruo every payday, hindi na masama para hindi masakit sa bulsa ng 1 bagsakan na gastos.
Magbasa patotoo ung cord na mag kakabuhol po .. kc ung bb ko 2 cord po xa .. pero hindi nmn po ako ng crochet😅 mahilig lng po ako pag katapus maligo nakabuhol ung towel sa ulo ko,at nka tirintas ung buhok ko ..😅 ang pamahiin po na alam ko is ung parang sakin po,towel sa leeg,ulo,kwentas,😅
Not true momsh! Crocheting mom din ako. Ginawa kong diversion ang pag ccrochet pra di ko naiisip na nasusuka ako dahil sa prenatal meds. Ang dami kong nagawang boots, mittens tska beanies. Haha! Lumabas po si baby via NSD without any complications. ❤️
Not true momshie hahaha. Nag crochet din po ako. Simula 1st baby ko hanggang ngayon sa ika 3 wala naman nangyareng ganyan hahahaha. Tuloy lang din ang business kaso yun nga lang pag malaki na tiyan sobrang ngalay na umupo ng matagal hahaha.
no, nagtatahi tahi nga ako noong buntis ako. di naman nag cord coil si baby. pero kung mga mga kasama kayo sa bahay na naniniwala sa mga pamahiin wag mo nalang ipakita mommy para di ka nila nasisita
hindi ko alam na my gantong pamahiin😅 simula pa lng ng pag bubuntis ko nagtahi na ako ng nagtahi😅 and ang balak ko pag nalaman ko ang gender ni baby at babae i mag crochet din ako😅
Hindi ako naniniwala sa pamahiin. Nakakadagdag isipin at stress. Samin naman bawal mag sampay ng tuwalya sa leeg. Ginagawa parin namin.
Hi mamsh Rogiecel, ang pagkain po ng talong ay ok lang po as long as wag sosobra kasi pwedeng mag cause ng premature labor, yun po ay may scientific explanation. Careful lang din po tayo sa pagkain ng talong. ☺️
Fellow crocheter here! Nag-gagantsilyo pa rin ako kaso bihira ngayon kasi tinatamad ako. Hahaha. Pero gagawa rin ako niyan before ako manganak :)
Fellow crocheter here! Nag-gagantsilyo pa rin ako kaso bihira ngayon kasi tinatamad ako. Hahaha. Pero gagawa rin ako niyan before ako manganak :)
Pregnant