Pamahiin sa buntis
Hello mga mommies! First mom here 16weeks and 5 days preggy. Mahilig po ako mag crochet sa sobrang excited ko nagstart napo ako gumawa ng stuffs para kay baby like mga damit, beanies, mittens, onesie kahit diko pa alam gender kaya lang dami nagsasabi bawal daw gumawa dahil may pamahiin daw na magbubuhol cord ni baby. Naniniwala din po ba kayo sa ganon?
Hindi ako naniniwala. Pero nagtahi ako nung buntis ako, cord coil si baby. Still, I believe hindi yun ang dahilan kaya sya cord coil π
Inom ka lang Mi madaming water. Talagang mag bubuhol po yung cord ni baby dahil malikot and kaya laging adviced ng OB uminom lagi ng water.
Ako nga po mi minsan nag tatahi po ako sa gabi. Mahirap po kase mani wala sa mga pamahiin naka dagdag stressed lang din po hays
hwag ka po maniwala dun.. kahit nga yung pagtatahi dto sa amin pinagbabawal dahil sa pamahiin baka daw ma cs π π
Yun nga po mi pati ako lage nag tatahi gabi pa hehe
mi ang cute, youtube tutorial ka lang nanuod? gustong gusto ko matuto ng either cross stitch o gantsilyo. Ang cute.
Not true mommy. Hehe. Nagtatahi din ako nung preggy pa ako. Pero di naman cord coil si baby. π
di po ako naniniwala jan kasi yarn naman ang kinocrochet hindi cord ni baby
ganda naman po ng gawa nyo mi. may business po kayong ganyan?
Gumawa ka lang ng gumawa mi, hindi totoo pamahiin. HAHAHAHAHA
Ako din nagtatahi palipas oras ko din ang cross stitch π