Hi mga mommies.. Di ko po alam kung pano magstart, gusto ko lang pong sabihin na after 5months ngayon ko na lang po ulit naopen ang app na ito hindi po dahil sa ayaw ko pero dahil nadala po ako sa isang comment nung ishinare ko ang 1st pic ng baby ko. 😭 Bagong panganak po ako nun month of June 2021, naoverwhelmed po ako dahil success na nailabas ko si baby at gustong-gusto ko po talagang ishare si baby sa asian parent dahil naging bahagi siya ng pregnancy journey ko. Nadala po ako sa 1 comment na sinabing "ang pangit daw po ng baby ko" naiyak po ako nun.. Sino ba namang magulang ang gustong masabihan ang anak ng ganun. Hindi ko po siya pinatulan sa halip ay binura ko na lang ang negative comment na yun. Pinagpray ko po yung taong yun at ang emosyon ko that time. At simula nun hindi ko na po nabisita ang asin parent. But now, nakamove on na ko Hahahaha.. Alam ko every babies are blessing and beautiful! To all moms out there, kahit anong mangyari maging matatag po tayo para kay baby. We must be sensitive with our words and action. Being sensitive means to think about how the other may feel before we say or do something. Read Psalm 139:14. Thank you for reading this.
PS: 1st pic yan po ang Baby ko now at 5months
2nd pic yan po ang pinost kong pic ni baby ko na nabash. (hehe) Kung sino ka man, God bless you po! 😘