About postpartum
Hi mga mommies, curious Lang po me FTM po, Yung postpartum po ba is after birth mo mararanasan? Na stress or naiyak or napapa iyak na Lang tLaga ako pag iniisip ko Yung mga bagay2 like financial Lalo na pag may bayarin tapos itong MIL ko parang ang panget ng trato sa anak niya(hubbyko) pag walang pera binibigay. Kaya hanggat Kaya ko kumikilos ako sa bahay Nila Kaya pag sa Gabi iniiyak ko dahil siguro sa pagod, tapos sa side ng family ko nman Alam nman Nila na stop muna ako sa work ko due to covid. Kaya d sila makahingi sa akin pero pag nababasa ko Yung message ng kapatid ko sa gc namen na manghingi ng pang consumo, naiiyak ako kasi wala ako maibibigay. Or nagsasabi Yung kapatid Kung Isa na wala silang makain naiiyak nman ako. Tulad ngayon naiiyak na nman ako habang tinatype ko to kasi Yun nga financial problem na stress ako kakaisip. Parang napapa isip ako Sana d na Lang ako nabuntis Para tuloy2 pa rin trabaho ko. May na ibibigay pa ako sa pamilya ko. 😢😢