Cold water

Mga Mommies, bawal po ba talaga ang cold water sa mga preggies? Bakit po?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi nman po sis. Panwala ng mga lola ntn pag dw po nakakainom ng tubig na malamig lalaki dw ang bata, pro zero calories nman po ang water sb ng OBgyne. Cguro po bka po pag sobrng lamig pocble na mairritate po ung lalamunan ntn at magcause ng sore throat po.

Myth, wala pong calories/sugar ang plain water cold or warm man po safe itake ng kahit sino, buntis, bata o matanda. Hindi po totoong nkakataba ang water khit sino pong doctor tanungin nyo 😊. Mas refreshing pa nga po dahil sa init ng panahon ngaun.

5y ago

noted po salamat

VIP Member

Hindi naman po. Kaya lang kasi minsan ang malamig na tubig pwedeng magcause ng masakit na tyan. Like what I experienced kaya very seldom ako uminom. Lalo pa ngayon sobrang init ng panahon hindi talaga siya maiiwasan.

ang sabi din po skin po skin is iwasan ang palaging malamig kse daw po lalaki lalo ang baby at mahihirapan manganak kaya medyo iwas ako sa malamig. depende nmn po sau kung susunod ka sa mga pamahiin o hnd.😊

Hindi po bawal. Tsaka hindi naman sya nakakaaffect sa size ni baby. Sbi ng OB ko mas nakakagana nga lng kumain pag malamig yung tubig yun lang iwasan mo hehe.

TapFluencer

Sa init po ng panahon, okay lang yung tubig na malamig, tubig lang naman eh.. nakakalaki cguro kung haluan mo ng powdered juice..

Di naman totally bawal mommy, ang sabi lang ng iba pag lage daw malamig ang kinakain or iniinom nakakataba daw yun ni baby

Di naman po bawal. Go lang if gusto mo ng malamig. Nasasabi lang ng matanda na bawal dahil baka magkasakit siguro. Hehe.

Nakakalaki po kc ng baby ang malamig na tubig. Ako never ako uminom ng malamig na tubig,kht di pa ko buntis nun

5y ago

No scientific basis.

Di naman po bawal, wag lang po masyadong malamig iwas sakit sa lalamunan at baka ubuhin po kayo.