Postpartum belly

Mga mommies ask ko lang sino dito katulad ko na nanganak and ung tyan parang nabawasan lang ng konti. Malaki pa din sya at parang 6mos preggy pa rin. Naiistress ako lahat ng nakakakita sinasabi bakit daw ang laki pa rin ng tyan ko. Btw, I just gave birth last August 6 via NSD. Normal kaya ito? At parang medyo nananakit pa yung part na yun malaki sa may puson. Please help 😭 #advicepls #pleasehelp #FTM #postpartumbelly

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

August 6 ka pa lang naman pala nanganak mamsh, normal lang talaga yan. kala ko naman ilang months/yrs na. normal din na parang nagcocontract pa yan since aug 6 ka lang nanaganak. nagcocontract back na kasi ang matres. di naman po kasi agad bumabalik ang matres sa dati pag nailabas na si baby (tulad ng pagbubuntis, di ba di naman yan agad lumaki) sa belly fats, normal din yan kasi yan ang naipon mong fats habang nagbubuntis ka, unti unti liliit yan, tulungan mo rin ang sarili mo syempre, (exercise, diet kung di naman padede mom, at cleared na to do exercise) wag kang magmadali sa recovery mo (unyi unti yan) lalo na kung di naman po kayo tulad ng obang moms na parang lumaki lang ang tyan, hindi tumataba man lang kahit nanganak na. just enjoy and focus every moment na lang with your baby, never mind that tyan of yours at yung sabi sabi ng iba.

Magbasa pa